maraming nangyayari at nagbabago. ganoon naman palagi, siguro mas napapansin ko lang ngayon. siguro kasi mas mabigat at mahirap lang
sa ngayon. nakakapagod.
kahit may mga sandali
na ayos naman.kumakalma rin sa tuwing nararamdaman yung haplos ng hangin. nakakahanap pa rin naman ng ligaya sa maputlang kulay ng paligid. mayroon namang mga masasayang bagay at mga taong tila ay ang araw sa kanilang dala na liwanag, nasisilayan ngunit hindi maramdaman, o hindi muna siguro
sa ngayon.parang nais ko na muna kasi mawala, magtago, tumakbo sa malayo. 'di ko alam kung kanino, sa mundo ba, sa alaala mo o sa sarili ko. ayaw kong aminin na nalugmok ako nong umalis ka, na tila isa itong kasalanan o kahinaan. mabigat at 'di ko maintindihan.
nais ko lang talaga huminga
nang mas magaan.
sana maging maayos rin.
YOU ARE READING
oh, sa akin nananatili
Poetry"kusang namumuo at umaapaw mula aking balat, alam ng mga daliri ang hugis kahit wala ang aking kumpas. sandamakmak na at tila ay 'di ko mapuna nang wasto at sapat. mga salitang hindi kailanman ako magkakaroon kung hindi tayo minsang nagkakil...