puro nalang mga liham
na hindi pwedeng ibigay
ang mga nasusulat ko nitong
mga araw na nagdaan.mahirap patahimikin
ang kaloobang punong puno
sa pagdaramdam.
ang hirap pigilang magsulat
kung ngayon mo lang ulit nakita
yung sarili mong matatas sa salita.tila ikakamatay ng aking buong pagkatao kung ililibing ko
ang bahagi ng aking sarili na umiibig.
ngayon ko lang mas naintindihan, ganito pala talaga.
YOU ARE READING
oh, sa akin nananatili
Poetry"kusang namumuo at umaapaw mula aking balat, alam ng mga daliri ang hugis kahit wala ang aking kumpas. sandamakmak na at tila ay 'di ko mapuna nang wasto at sapat. mga salitang hindi kailanman ako magkakaroon kung hindi tayo minsang nagkakil...