070

2 0 0
                                    

gusto kong itanong ulit kung anong problema. bakit hindi pwede. bakit hindi na dapat ako manatili. bakit kailangan katahimikan nalang ang isinasagot mo sa bawat tawag ng aking pagdaramdam. alam kong hindi na dapat pinipilit. ilang ulit mo nang sinabi yung rason. hindi na nga dapat umabot sa'yo to. pero hindi ko alam, tila kasi kulang pa. alam mo yung pakiramdam na kusang nahahanap ko yung salita at sagot sa bawat ano yung susunod na hakbang. bakit kasi hindi pupwede. parang may hinihintay akong isasagot mo na sasang-ayonan ko. na dapat 'di muna ako sumuko nalang. ilang sigundo lang ang kailangan para mahulog ka sa isang tao pero ikasalalay buong pagkatao mo para mahalin sila nang buo. bakit ba kasi ramdam ko yung labis na kirot sa tuwing gusto kitang tawagin. napapaos ang aking boses sa pagpigil kong hindi sumigaw. nawawalan ng saysay ang oras kapag sinusubukan kong ika'y kalimutan. bakit nga ulit hindi pwede?

oh, sa akin nananatili Where stories live. Discover now