067

5 1 0
                                    

minsan sinasambit ko ang iyong pangalan nang paulit-ulit na tila ba mawawalan ito ng saysay kung sasabin ko pa ng ilang milyong beses.

minsan sa tuwing nasa dilim,
mag-isa, umuulan, malamig, masyadong malipis ang hangin;
sa tuwing tinutugis ng mga damdaming nagmamakaawang ramdamin at 'di ko na mawari
kung saan o kanino ako kakapit.

minsan kapag may mga sandaling kailangan kong hawakan ang sariling nanghihina, nalulugmok,
at hahantong na sa muling pagkabasag; nagbaybaybay
ang aking isipan ng dalangin.

binibigkas ko ang iyong pangalan nang paulit-ulit.

sinasambit ko ang bawat pantig na parang patalim na aking dinidiin sa sarili; para mailabas ang isasagad
ng kung anong wagas;
para madama kung gaano
pa kalalim ang tinatamong pagdaramdam.

tapos sinasambit ko ulit ang pangalan mo nang ilang daang beses para sa pagtahan mula sa pagtangis, para sa kaunting payapa, at ginhawa ng mga sugat.

minsan sinasambit ko ang iyong pangalan ng ilang libo pang beses
sa mga alaala, sa aking guni-guni,
sa mga tula't liham, sa makulay na kalangitan, sa katahimikan,
sa panaginip, sa tuwing namamanhid, sa tuwing inuusig ng kalooban, minsan kahit hindi ko na namamalayan.

oh, sa akin nananatili Where stories live. Discover now