ang bawat nabibitawang paghihinagpis ay sariling salita
para sa pagod. ang mga nabibitawang pagsusumamo ay pag-amin ng hubad na puso.ang dulo ng panghihina sa pagtitimpi ay wala ni-purgada sa lakas ng paghahangad.
kahit gaano pa man pagorin ng mundo, nahahatak ako sa iyong
tunog ng pahinga mula sa loob ng sariling pandinig. nahuhukay lamang ng pagkirot ang walang hanggang pag-uumunawa; naging pinto ang iyong paglisan sa tahanan ng taimtim na pag-iisa.satuwing bumibigat ang bitbit
na mga buto at balat, unan ko ang aking pluma. ang pagsulat ay paghinga. ang mga salitang para sayo'y paghihimutok.napagtanto ko nalang, ang bawat pagtawag sa iyong pangalan ay pananabik sa pag-uwi; bawat pantig na sinasambit ay ang boses ng diwa
at susi pabalik sa sariling bisig.
YOU ARE READING
oh, sa akin nananatili
Poetry"kusang namumuo at umaapaw mula aking balat, alam ng mga daliri ang hugis kahit wala ang aking kumpas. sandamakmak na at tila ay 'di ko mapuna nang wasto at sapat. mga salitang hindi kailanman ako magkakaroon kung hindi tayo minsang nagkakil...