kung napagpapasyahan ang katapusan ng lahat, ako ang magdidikta sa pagpapatuloy
ng sariling kapalaran.ngunit, sinta, kung nanaisin ka man muli, nais kong mamuhay sa loob
ng iyong bakod. nais kong yakapin ka kagaya ng pagbabago, na tila ikaw
ang binhi sa paglago. nais kong malugmok at tumubo sa harap ng iyong titig nang paulit-ulit.
oh, huminga sa iyong tabi sa bawat paghimlay at kapanganakan ng sarili.sa akin ka mananatili, ibig sabihin ako ang iyong magiging kakampi at alipin, palagi. ito ang depinisyon ko sa salitang tayo. ito ang mga naaninag ko sa lihim ng ating pagitan, sa isipan ko kung saan tayo ay ang kalawakan; panaginip na hatid mula sa silong ng aking damdaming nais kang mahawakan.
'di ko rin talaga lubos na maunawaan kung bakit labis ang nararamdaman. ngunit inuusig ako ng kaloobang 'di ko kayang kalaban. nang tinahak ko ang mga turo ng panloob na kumpas, napagtanto ko na ang mga pagdaramdam na isinilid ko sa iyong pangalan ay daan ng puso pauwi sa minsang tahanan; bawat yapak ng aking pangungulila ay pagkilala ko
sa katotohanan ng pagkakakilanlan.
YOU ARE READING
oh, sa akin nananatili
Poetry"kusang namumuo at umaapaw mula aking balat, alam ng mga daliri ang hugis kahit wala ang aking kumpas. sandamakmak na at tila ay 'di ko mapuna nang wasto at sapat. mga salitang hindi kailanman ako magkakaroon kung hindi tayo minsang nagkakil...