Pangatlo

28 6 3
                                    

Pangatlong Sekreto

"CATHY! BUMABA kana dyan! Anong oras na!"

Boses ni mama ang gumising sa'kin. Wala sana akong balak tumayo kaagad ngunit nakalimutan ko kung paano magalit si mama at kung gaano kaimportante sa kanya...sa'kin, ang araw ngayon.

Wala akong alam kung anong meron sa isang birthday. Hindi ko kasi maintindihan si mama, ano ang nakakaexcite ngayon? Tatanda lang naman ako.

Masama na agad ang itsura ko, iniisip ko na kasi kagaad ang mga mangyayari. Pero nawala din naman agad ito dahil pupunta ang mga kaibigan ko ngayong araw. Mukhang dito kami sa bahay tatambay.

Pumunta muna akong banyo at inayos ang sarili. Tinali ko muna rin ang aking buhok, baka mainis na naman sakin si mama kung makikita nya ang namumungad ko daw na buhok.

Pagkababa ko, naamoy ko agad ang niluluto ni mama. "Ma! Minudo ba 'yan?!" Nagliliwanag ang mata kong tumakbo papuntang kusina.

"Hep! Hep!" Muntik na tumama sa mukha ko ang palad nya, buti nalang mabilis akong tumigil! "Ayusin mo na ang mga nasa lamesa, kakain tayo sabay-sabay kapag nagsimula na." Utos nya sa'kin.

Napanganga nalang ako. Kapag magsisimula na? Eh mga five palang ng umaga ngayon! Anong oras pa kami kakain nyan?! Hindi ko naman magawang sumagot dahil si mama na 'yan, ang batas ng bahay.

Sinulyapan ko ang mga nakalagay sa lamesa. Kung kalat 'yan ni mama sa pagluluto, imposible. Mga materials lang naman 'yan para sa party. Tsk, ito ang dahilan kung bakit ayaw ko sa ganto eh!

Wala naman ako magagawa, syempre. Ano namang bago doon, diba? Atsaka, para naman ito sa'kin, kaya susunod nalang ako. Kinuha ko ang isang plastik, nakalagay dito ang mga letters ng salitang happy birthday at ikakabit nalang ito sa isang sabitan nito upang magkakatabi-tabi na.

Pagkatapos kong isabit sa isang mahabang ribbon, naghanap ako ng masasabitan. "Ma! Saan ko ito isasabit?!"

"Ang ano?!" Sigaw naman nya pabalik sa'kin, may kalayuan din kasi ang kusina at sa sala. Dito gusto ni mama ilagay, tagasunod lang ako.

"Iyong happy birthday kuno ba."

"Magkahanap ka dyan, Cathy! May mga pako naman sigurong nakausli dyan."

Argh, ayoko masabihang bulag kaya naghanap talaga ako. Resulta, wala! Gumawa nalang ako ng paraan, naghanap ako ng pandikit at dinikit ito sa dingding. Mabuti nalang talaga at meron ako, school purposes nadin.

Next ko namang gagawin ay sa lobo. Binuksan ko ang mga lobo at kinuha ang panghangin nito. Dahan-dahan at kalmado ko lang itong ginawa. Malalagot ako kung pumutok nalang bigla, malakas pa naman pandinig ni mama.

Dinahan-dahan ko nalang ang lahat ng lobo. Tinabi ko muna sila saglit, nang makitang medyo madami-dami na sila, kinuha ko ulit ang pandikit at nilagay ito kung saan-saan, para narin gawing decorations.

Hinalungkat ko pa ang laman ng plastik, ang daming gagawin! Minsan nagtatanong pa ako kay mama pero tanging sigaw lang ang sinasagot nga sakin. Hindi ko nga alam kung paano ito gawin eh! Malay ko ba na ako ang may birthday pero ako rin gagawa ng ganto.

Pagpatak ng seven, humilata na ako sa sofa. Kung nasaan napunta ang kaluluwa ko, ewan ko, hinatid ko na kung saan. Pagod na pagod na ako pero alam kong bubunga-ngaan na naman ako ni mama kung paano ko daw hindi ayusin ang ginagawa ko.

Nagugutom na ako at inaantok, ang aga-aga ba naman akong ginising tapos sigaw agad. Kahit gaano kalakas tumunog ang tyan ko dahil sa naaamoy kong niluluto ni mama, umidlip muna ako. Saglit lang naman ito.

Hindi ko alam kung anong oras na pero...may naririnig na akong parang bubuyog sa tenga ko. Bubuyog? Baka langaw. Tinapik ko ang tenga ko, baka pumasok ito. Lumakas naman ang isang...tawa?

KaibiganWhere stories live. Discover now