Pang-Apat

30 8 3
                                    

Pang-Apat na Sekreto

["CATHY? OKAY?"]

Napahilot ako sa sintido ko. Unexpected call ang natanggap ko ngayong umaga, inaasahan ko naman na isa sa mga kaibigan ko ang tatawag pero hindi ko naman inaasahan ang topic na magaganap.

"Hindi ba kayo napapagod?" Tanong ko pabalik sa kanya. Narinig ko lang ang pagtawa ni Caleb, oo ang makulit na lalaking ito.

["Kayo?"] Agad ding nawala ang tawa nya.

Tumango ako kahit hindi nya nakikita. "Oo. Tumawag din sila sa'kin at inaaya akong lumabas." Nakarinig naman ako nang malakas na kalabog mula sa linya nya. "Caleb! Anong nangyari?!" Nilukob agad ako ng pag-aalala.

["W-Wala naman. Ahem, sa'kin ka naman sasama, diba, Cathy?"]

Mukhang hindi nya inaasahan na tatawagan ako ng iba ah. Hindi ko rin naman inaakala na halos isa-isa at sunod-sunod nila akong tinawagan at pare-parehas pa sila nang sinabi. Gusto nilang sumama akong gumala, umalis at pumunta kung saan.

"P-Pero, si Gio ang unang tumawag sa'kin at sinabihan ko na sya na pupunta ako." Nakokonsensya kong pag-amin dito. Ito rin ang sinabi ko sa iba.

["....Fine. Saan daw kayo pupunta?"]

Napatawa nalang ako. Ganitong-ganito rin ang tanong nang iba no'ng sinabi ko ito. Parang may ideya na ako sa binabalak nila.

"Sa malapit na amusement park dito sa atin."

["Got it! Bye, Cathy!"]

Namatay na ang linya kaya tinitigan ko nalang ang sarili kong cellphone. Magkakagulo na naman bukas. Mapapasabak na naman ata ako sa isang malalakas at malilikot na mga tao.

"KAILANGAN paba na sunduin ako?" Nagtataka kong tanong sa taong nasa harapan ko.

Nakangiti sya habang nasa labas ng pintuan namin. "Good morning too, Cathy."

Bumuga nalang ako ng hangin at pumasok saglit sa bahay, "Ma! Aalis na po ako! Nandito na si Gio!" Malakas na sigaw ko sa loob.

"Ingat kayo!"

Nang marinig ko ito, lumabas na ako ng bahay at sinara ang pinto. Sumunod nalang ako kay Gio na nangungunang naglalakad, pinagbuksan nya ako ng pituan ng kotse kaya pumasok na ako.

Pagkapasok nya sa loob ay umalis na kami. Nagscroll lang ako sa cellphone, nagpa-plano kung ano ang gagawin namin pagkapunta doon.

"Nag-almusal kana ba?" Tanong ko sa katabi kong nagda-drive.

"Not yet."

Napataas naman ang ulo ko at nandito padin ang ngiti nya. "Tsk, masyado ka atang excited 'no?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Bumungis-ngis naman sya, "Maybe."

Nirolyo ko nalang ang mata ko. "Importante ang pagkain tuwing umaga kaya daan tayo sa malapit na drive thru." Utos ko sa kanya.

"Yes, boss."

Nagpatuloy nalang ako sa pagtingin sa website nang amusement park na pupuntahan namin. Pagkatapos umorder, tumigil muna kami saglit para kumain, nasa loob padin naman kami ng kotse bago magpatuloy papuntang destinasyon namin.

KaibiganWhere stories live. Discover now