Pang-Pito

21 2 0
                                    

Pang-pitong Sekreto

HINDI BA talaga sila nag-aalala?

Ito ang palaging pumapasok sa isipan at utak ko tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko, maliban kay Gio. Kahit na may kaakwardan na namamagitan samin, kaibigan ko parin sila.

Alam ko na ang bawat problema ay nalulutusan. Hindi rin 'to magtatagal

Pero kay Gio? Hanggang kailan? Hanggang kailan sya mawawala sa piling namin? Sa piling ko?

"Cathy?"

Napataas ang ulo ko sa tumawag sa'kin. Si Eula. Napapansin ko na napapadalas na ang pakikipag-usap nya sa'kin. Mas dumadaldal na sya kesa dati. Kapalit naman nito ang distansya ng tatlo.

Pasekreto kong sinulyapan sila Fio, Oliv at Caleb, na nananahimik sa kani-kanilang upuan. Walang nangyayari sa kanila. As in wala, katahimikan ang namamagitan sa kanila.

Bumalik ang atensyon ko kay Eula na nagaalalang nakatitig padin sa mukha ko. Sinubukan kong ngumiti, "A-Ayos lang..." Ang sakit sa lalamunan at dibdib. Hindi ko kayang manatiling ganto.

Nananahimik, binabagabag at sinasabuhay ang pagiging sinungaling. Hindi naman ako ganto.

Ang dami ko na iniisip, hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Parang sunod-sunod ang mga problema ko na parang hindi ko rin dapat problemahin.

Ako ba talaga ang problema?

Pero normal lang naman ang mag-alala sa kaibigan ah! Kahit anong sabihin nila na pagpapalito o pagse-sekreto sa'kin, hindi ko ito gusto. Ayokong manatiling walang kamuwang-muwang o kaalam-alam lalo na tungkol sa mga kaibigan ko.

Sa mga nakapaligid sa'kin.

Gusto ko nga itong gawin pero...paano? Paano ko 'yon makakamit kung wala nga akong kaalam-alam kung kailan at paano nagsimula ang lahat ng ito? Kung ayaw nila ipaalam sa'kin?

Nagpakawala ako ng bumuntong hininga na kinalingon ng tatlong malapit sa'kin.

"Cathy?"

Sinulyapan ko ang tatlong pares ng mga mata nila na nakatutok sa direksyon ko. Napapadalas na kami ang magkakasama. Kami nila Isid, Samuel at Eula. Ito ang combo na hindi ko akalaing darating.

Napansin ko lang din na, ang mga kadalasan kong close ay napalayo sa'kin habang ang mga kabaliktaran nito ay nasa tabi ko na ngayon. Weird...but at the same time, I feel happy.

Nawala agad ang saya ko nang maalala ang mga kasalukuyang nangyayari. Hindi, hindi ito ang oras para makaramdam ako ng ganto. Siguro, ngayon ang panahon para matulungan ko ang mga kaibigan ko?

Sa nakuhang ideya, dali-dali akong lumingon sa tatlong nakatitig sa'kin, halos matunaw na nga ako eh. Mabuti pa nga at wala pa ang teacher namin kaya malakas pa ang loob ko para lingunin sila at kausapin.

"Wala talaga kayong balak hanapin si Gio?" Pangungulit ko sa hindi mabilang na beses.

Malalambot padin ang pagtingin nila sa'kin. "Huwag kang magalala sa isang 'yon, Cathy. He doesn't deserve your care." Marahang pagsagot naman ni Samuel.

Hindi ko alam kung mamamangha ako sa pasensya nila para sa'kin. Hindi ba talaga sila nagagalit? Naiinis? Nasusura? Naiirita? Dahil ako, OO. Ilang araw na akong nagtitimpi.

Pinagdikit ko saglit ang mga labi ko bago madulas na sabihing, "Nagsisinungaling ba kayo sa'kin?" Pero huli na ang lahat. Lumabas na ito sa bibig ko bago ko pa lunukin ang katanungan na ito.

Saglit silang napatigil. Pansin ko kung paano sila magiging estatwa sa kanilang pwesto. Tama ba talaga ako? May gulat sa mga mata ko pero agad ko itong tinago. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko ba na tinanong ito sa kanila ngayon.

KaibiganWhere stories live. Discover now