Pang-sampong Sekreto
NAG-AAYOS NA ako ng mga gamit ko kahit hindi parin nawala ang kakaibang nadarama ko simula kanina. Pinipilit ko nalang sarili ko na hindi ito pansin.
Na tila ba imposible. Huminga nalang ako ng malalim, siguro pagod lang ito.
"Cathy, uuwi ka na?" Tanong sa'kin ni Oliv.
Mukhang alam nila ang sagot ko base sa mga mukha nila ngayon. Hindi ko rin maiiwasang hindi mapansin si Fio at Caleb dahil sa mangasim-ngasim nilang itsura.
Ngumiti nalang ako ng maliit, "Magpapahinga muna siguro ako. Tama na ang kakagala tuwing uwian." Walang araw na hindi kami gumagala eh.
Sabay-sabay silang buntonghininga. Alam naman nila na hindi nila ako mapipigilan, lalo na kung may desisyon na talaga ako.
"Edi hindi tayo matutuloy?" Biglang sambit ni Samuel.
"Ah?" Ahh, inaya nya pala ako kanina.
Tumalim naman agad ang mga mata nila, target lang naman ay si Samuel. "May lakad kayong dalawa? Ha?" Nangunguna agad si Oliv.
Salubong na salubong ang kilay ni Caleb. "Kung hindi pala magsasalita si Cathy, hindi namin malalaman na may plano na pala kayo?"
Sumama naman ang pakiramdam ko sa mga nasabi nila. Syempre hindi ako sanay na napagiiwanan ko sila, palagi akong fair kung sila ang usapan.
"H-Hindi naman sa gano'n. Inaya rin kasi ako ni Samuel kaso gusto ko na agad magpahinga ngayon kaya hindi rin ako.matutuloy." Paliwanag ko sa kanila.
"He still invited you, Cathy." May diin na sumbat ni Isid.
Nakarinig kami ng tawa kaya napatingin kami kay Samuel na nakaupo sa lamesa. "Malalaman at malalaman nyo parin naman 'yon. Don't take me as an idiot."
Hm? At dahil hindi ko alam 'yon, edi mas mababa pa ako sa idiot? Bahala sila dyan.
Kulang nalang talaga magkaroon ng spark between sa mga titigan nila. Ito ang nangyayari kapag may isang balak makipagbonding sa'kin.
"Tama na 'yan. Bukas nalang natin ituloy ang gala para walang away." Pagpapatahimik ko sa usapan na ito. Imbes na marinig ko ang tuwa ni Fio at Caleb, katahimikan padin ang lumulukob sa grupo na ito.
Mabuti nalang talaga at kami palagi ang nahuhuli sa uwian. Kaya hindi na ako nagtataka kung ano-anong klaseng titig ang tumatama samin.
"Hindi ba kayo masaya?" Tinitigan ko ang dalawa na nananahimik.
"Hmm..." Ayan lang ang nagawang tunog nila na kinataka ko.
Argh. Sumasakit lang lalo ang ulo ko. Kailangan ko na talaga ng pahinga. May mga iniisip ata ang bawat isa kaya nauna na akong umalis ng room at naglakad, mga wala syang balak umuwi.
Kailangan muna ata nilang iresolba ang problema, na wala akong ideya kung anong klaseng problema 'yon.
Nakalabas na ako ng school nang mapansin ko na ito ang unang pagkakataon na wala akong nakasamang umuwi. Nakakapanibago pero hindi narin ako nagulat.
YOU ARE READING
Kaibigan
RomanceKaibigan. Ano ang isang kaibigan? Ano ang handang gawin ng isang kaibigan? Para sa'yo, ano nga ba talaga ang isang kaibigan? ***** :The picture is not mine. CTTO.
