Pang-Siyam

7 1 0
                                        

Pang-Siyam na Sekreto

"MA! Ayos na ito. Hindi mo na kailangan pa-"

"Ay hindi, Cathy! Kaya ka pumapayat ng pumapayat dahil sa katamaran mo."

Tumigil nalang ako sa protestang sasabihin ko. Kung gaano katigas ang ulo ko, mas titigas pa ang ulo ng nanay ko. Hindi naman siguro masyado halata kung saan ako nagmana.

Tinitigan ko ang sangkatutak na pagkain sa bag ko. Sinuksok talaga ni mama, hindi pinatawad kahit dulo at gilid ng bag ko. Mag-aaral ba ako o lalamon nalang?

"Kailangan ko ba talaga ubusin ang lahat na 'yan?" Tanong ko sa kanya. Nakakuha naman ako ng evil eye mula sa nanay ko.

"Huwag kang uuwi nang hindi 'yan nauubos. Kung hindi kakasya sa maliit mong bunganga, bigyan mo sila Isid." Suggest nya.

Sinarado ko naman na ang bag ko, hindi ko na makita ang mga notebook ko sa dami ng pagkain. "Ma, baka nga mas busog pa sila sa'kin. Sa yaman nila, imposibleng magugutom ang mga 'yon."

"Ang sabi sa'kin ni Isid, gustong-gusto nya ang mga niluluto ko. Kaya alam ko na titikman nila 'yan." Maliwanag n'yang ngiti na para bang nagmamalaki pa sa'kin.

Hindi ko nalang maiwasang mapangiwi. Puro Isid nalang ang laman ng bibig ni mama. Hindi ko alam kung pangalan lang ba ni Isid ang alam nya sa mga kaibigan ko eh.

"Okay, okay. Aalis na ako ma." Paalam ko sa kanya bago lumabas ng bahay.

"Siguraduhin mo na ubos na 'yan mamaya, Cathy ah!" Walang awat na sigaw ni mama sa'kin kahit nasa kalsada na ako.

Argh, ako nalang ang nahihiya. Awa nalang. Ngunit hindi parin nawawala ang ngiti sa aking labi. Alam ko na hindi 'yan magbabago sa ugali ni mama. Gustong-gusto ko na sya naman ang tulungan ko, o kahit maibalik ko man lang ang mga nagawa nya sa'kin.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung paano makakatulong kay mama nang may biglang umakbay sa'kin. Nilingon ko kung sino ito, si Samuel.

"Morning, Cathy." Nakita ko ng malapitan ang makikintab n'yang ngipin.

Nakakahiya naman. Mas maputi pa ang ngipin nya kesa sa mukha ko.

Tumango ako, "Ang aga mo naman ata. I mean, hindi ko naman sinasabi na palagi kang late ah." Depensa ko kaagad na kinatawan nya.

"Palagi akong maaga pero hindi agad ako pumapasok." Tumango nalang ako bilang sang-ayon. Typical na gawain nga ni Samuel, bad boy na bad boy talaga.

Tahimik kaming naglalakad. Hindi ko nga alam kung paano sumulpot si Samuel. Walking distance lang kasi ang school sa bahay ngunit may kalayuan padin.

Hindi ko na sya tinanong pa dahil ano naman ang magagawa ko diba? Baka isipin nila nagiging pakialamera na ako. Ayoko naman na sumama ang loob nila sa'kin dahil lang doon.

"Cathy,"

"Bakit?" Nagulat pa ako sa kaloob-looban ko. Hindi rin naman kasi kami masyado malapit ni Samuel pero alam ko na mabuti ang pakikitungo nya sa'kin.

"Gwapo ba ako?" Nagtatakang napatingin ako sa kanya, "Just asking." Pilyong ngisi nya sa'kin.

Just asking pa sya eh halata naman! Halos sinisigawan na sya ng mga babae sa school tapos tatanungin nya pa ako nang ganyan? Pwede ba sya tanggalan ng isang ngipin? Saglit lang naman.

"Oo naman. Gwapo ka. Gwapo kayong lahat. Ano bang klaseng tanong 'yan." Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Ako. Gwapo ako?" Pinagpipilitan nya pa nga.

"Oo ah!" Hinawakan ko pa sya sa pisngi, "Gwapo mukha mo. Makinis, maputi, may karismang dala. Bingi ka ba para hindi marinig ang sigawan ng mga babae sa school sa'yo?" Nagaalala kong tanong. Baka may tinatago pala s'yang sakit, naninigurado lang naman ako.

KaibiganWhere stories live. Discover now