Pang-Lima

17 6 5
                                    

Pang-Limang Sekreto

TULALA AKO. Hindi ko alam kung magi-ilang minuto na akong ganto. Nakatambay ako ngayon sa loob ng kwarto ko at naramdaman ko kung gaano ko ito namiss...ang mag-isa.

Hindi naman sa naiinis ako sa mga kaibigan ko dahil sa pangungulit at pagiging madikit nila sa'kin, sadyang kailangan ko rin ng panahon at oras para sa aking sarili pero alam ko na saglit lang kasi ang ganito sa aking.

Balik sa iniisip ko kanina, napansin ko lang na may kakaiba sa kanila. Kilala ko ang mga kaibigan ko, alam ko na kahit gaano sila hindi ka-close sa isa't isa kung wala ako. Alam ko rin kung gaano nila hindi kagusto ang isa't isa, ramdam ko 'yon, hindi naman ako manhid.

Ang wala lang akong kaalam-alam ay kung anong dahilan. May malalim bang dahilan at gano'n ang kinikilos nila? Bakit tila mas malalim pa 'yon sa inaasahan ko? At kung kailan nagsimula ang lahat ng ito?

Sa totoo lang, hindi ko pa talaga sila gano'n kakilala. Ang alam ko lang sa kanila, ay kung gaano nila kagustong lumapit SA'KIN. Interesado lang sila SA'KIN, ayon lang. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gusto at ayaw nila.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang tagisan na nangyayari pero una ko 'yong napansin kila Samuel at Isid. Ito 'yong nasa classroom kaming lahat at may sinabi si Samuel tungkol kay Isid.

Parang may malalim syang ibigay sabihin no'n at hindi ko alam iyon. Kung titignan ang relasyon nilang dalawa, masasabi kong wala. Wala akong masasabi. Hindi nga nagpapalitan ng salita ang dalawang iyon, kahit pagtingin sa mga mata nila ay hindi nagtatama. Kaya ganoon nalang ang pagtataka ko nang nangyari 'yon.

Tungkol na naman ba ito sa'kin? Argh, naguguluhan talaga ako! Gusto ko itong sabihin sa kanila pero baka mas lalo lang lumala! Tapos baka isekreto pa nila dahil sa kapakanan ko kuno o hindi ito importante kuno.

Lagi ko kasi silang kinakausap tungkol sa mga problema ko, wala naman akong sini-sekreto sa kanila. Open ako palagi kapag kausap sila, hindi ko nga lang alam kung gano'n din sila.

Ayon nga, kapakanan lang naman nila ang pino-problema nila kaya sinasabi ko ang mga 'yon lalo na ang saloobin ko.

Pero ngayong tungkol sa dalawang kaibigan namin ang problema ko, baka kung ano pa ang mangyari. Mga OA pa naman sila masyado. Ayoko naman itong mas lalong palalain.

Umikot-ikot ako sa kama ko. Mas lalo lang gumulo ang nasa utak ko dahil padagdag ito ng padagdag. Problema ko rin naman kasi iniisip ko pa lalo.

...kaya ko nga iniisip para mawala na, diba? Pakiramdam ko puputok na ako ulo ko. Nag-over heat na ata. Too much information, hindi na kinakaya.

Tumayo ako at uminat. Pagkamulat ng mata ko, tumama ito sa isang litrato. Nakalagay ito sa lamesa ko at naka-frame. Pansin dito kung gaano ito kaingat.

Family picture ito. Ako, si mama at si papa. Buhat ako ni papa, may malapad na ngiti ako at makikita kung gaano kataba ang mga pisngi ko. Bungal din ako sa picture dahil mga six years old palang ako dito.

Magkatabi naman sila mama at papa. Kung hindi dahil sa picture na ito, edi sana tuluyan ko na nakalimutan ang mukha ni papa. Blurred na sana sya sa ala-ala ko. Matagal ko na kasi 'yang hindi nakikita.

Ang picture na ito ang...huling pagkakataon na nasilayan ko si papa. Hanggang ngayon, hindi ko na ulit sya nakita pa.

Sumulyap ako dito bago lumabas ng kwarto. Nasanay na ako...noon. Mag-isa lang sana ako dahil busy si mama sa trabaho dahil pinapalaki nya ako kaya wala akong kakilala.

Nasanay na ako noon na magisa pero ngayon...hindi na siguro. Nandito na ang mga kaibigan ko na palaging nasa tabi ko, ano pa nga ba ang mahihiling ko? Sila ang pumupunan sa nawawalang presensya ni papa at minsan ni mama.

KaibiganWhere stories live. Discover now