Unang Sekreto
PAGPASOK KO ng classroom, isang katawan ang lumitaw sa paningin ko. Agad kong sinalo ang katawan kuno at tawa ang aking narinig.
"Hindi ba ako mabigat, Cathy?" Ngumiti si Fiona. Napailing ako at binaba sya, kahit may kaliitan ang katawan nya ang bigat naman nito.
Si Fiona ay parang kapatid ko na. Sa sobrang palangiti at masiyahin nya ay pati ako nahahawa na. Kahit nga ata walang nakakatawa ay tatawa ito, pero para sakin kung saan sya masaya, sasabayan ko nadin.
"Fio, iwas-iwasan mo ang kakatalon mo kay Cathy. Kapag hindi ka nya masalo baka maaksidente sya." Naglakad papalapit samin si Olivia. Napangiwi ako ng makita ang sama ng tingin nito kay Oliv.
Si Olivia ay second mother ko. Mother KO lang, hindi ng lahat. Wala itong pakialam sa iba at ako lang ang iniintindi, kahit masaktan ang iba, ako ang aalalahanin kahit hindi ako konektado doon.
"Good morning, Cathy!"
"Morning, Cathy."
Magkasabayang bati ni Gio at Caleb. Binati ko din sila. Kahit nakangiti ang dalawa, mapapansin padin ang distansya ng dalawa. Parang iisa nga lang ang bituka nila dahil kahit ekspresyon ay parehas na parehas. Hindi pa nga sila magkapatid nyan.
Si Gio ang maalalahanin at kalmado sa amin. Ka-klaruhin ko narin, maalalahanin SA'KIN. Tuwing malungkot o umiiyak ako, sya ang laging nasa tabi ko. Binibigyan nya rin ako ng payo at kung paano gumaan ang pakiramdam ko.
Si Caleb ang masiyahin. Sya ang nagpapasaya sa'kin tuwing wala si Gio o hindi nito napapansin. Napapatawa nya ako sa mga jokes nya at napapasaya ako. Magkaiba na parang magkaparehas sila ni Gio, sila ang nagpapasaya sa'kin sa mga araw na malulungkot at nag-iisa ako.
Pagkaupo namin, ang biglang pagkabukas ng pinto ng classroom.
"Oh! Good morning, Cathy!" Bati ni Samuel pagpasok palang.
Si Samuel ang playboy, good looks at bad boy type. Kahit ganoon sya, malakas ang boses nito at palangiti, sa harap KO.
Nadatnan ko din kasi ang literal na bad boy na ugali ni Samuel at nagulat ako sa kakaiba nitong ugali ngunit kinalimutan ko nalang iyon basta nanatili kaming magkaibigan.
"Morning." Nasa hulihan si Isidro at tumango lang si Eula bilang pagbati. Kinawayan ko sila at ngitian dahil magsisimula nadin ang klase.
Si Isidro ay cold but soft na mga napapanood at nababasa ngayon. Hindi man kami magkalapit, lagi nya akong tinutulungan. Ilang beses nadin 'yon nangyari pero kahit hindi nya gawin 'yon, kasama parin sya sa mga kaibigan at close ko.
Si Eula naman ay mataray at mainitin ang ulo. Ang kakaiba lang ay hindi man lang sya nagalit sa'kin, kahit sigaw o utos na nakikita kong nagagawa nya sa iba ay hindi nangyari sa'kin. Kaya alam kong may pagkasoft side si Eula.
Kahit magkakaiba ang mga kaibigan ko, madami silang pagkakaparehas. Close ko man o hindi, pansin na pansin ko ang mga iyon.
Una, lagi silang nasa tabi ko saan man ako pumunta. Pangalawa, palagi silang ngi-ngiti o tatawa tuwing nasa tabi ko. Pangatlo, puro tungkol sa'kin ang pinaguusapan o pinagaawayan nila. Pangapat, nagkakasundo agad sila kung ako ang topic. At panglima, never silang nagalit, nanigaw o ipakita ang mga bad sides nila na nakikita ko kapag hindi nila ako kasama.
YOU ARE READING
Kaibigan
Mystery / ThrillerKaibigan. Sila ang mga taong, nandyan sa tabi tuwing may kailangan. Aalayan kung may problema at sa kahirapan. Mahuhugutan ng saya at kaligayahan sa gitna ng hinagpis at kalungkutan Ngunit sa isang magbabarkada, kakaiba ang pagkakaintindi sa salita...