Pangalawang Sekreto
"...THAT'S HOW you solve this equation. Understand, class?"
"Yes, Ma'am."
"Naintindihan mo?" Narinig kong bulong ni Fio.
Umikot naman ang ulo ni Oliv, hinahanap kung sya ba ang kinakausap nito. "Yes! You, girl?" Halos mapasigaw na si Fio.
"Malay ko ba." Sagot naman ni Oliv.
Halos matawa nalang ako sa interekasyon nilang dalawa. Napapagitnaan nila akong dalawa kaya rinig na rinig ko sila.
May narinig naman ako sa unahan kaliwa ko banda, "Pst. Ano daw sabi ni Ma'am?" Boses iyon ni Caleb.
"Sa dinami-raming pwede mong pagtanungan, ba't ako pa?" Naiiritang sabi naman ni Samuel.
"Gusto ko lang ilabas 'yong nasa isip ko. Grabe parang poof, andoon na agad ang sagot." Napansin ko kung paano ginulo ni Caleb ang sariling buhok, salubong na salubong ang kilay. "Paano 'yon nangyari?!"
"The group on the back. Pwede nyo bang i-share kung ano ang pinagbubulungan nyo dyan?"
Napayuko ako bigla nang marinig ang boses ni Ma'am. Patay! Agad naman tumahimik ang lahat.
"Ah, Ma'am, hindi ko lang po magets kung paano nangyari sa huling part kaya nagtatanong po ako." Lakas loob na pagbibigay opinyon ni Caleb.
"Dapat sinabi mo na agad sa'kin para hindi ka na nagtanong pa sa mga katabi mo. Ang gagawin lang naman dyan ay...."
Inulit ulit ni Ma'am ang sinabi nya kanina kaya nawala na ang atensyon sa amin. Grabe ang kaba ko dahil halos lahat ng kaklase namin ay nakatingin sa direksyon namin.
"Cathy," Gusto ko sanang hindi lumingon pero si Gio ang tumatawag sa'kin.
Lumingon ako at nagtatanong na tumingin sa kanya. Wala akong balak na magsalita, matalas pa naman ang pakiramdam ni Ma'am lalo na sa mga maiingay. Partida, nasa bandang likuran na kami pero narinig nya parin 'yon.
Sa bagay, boses na ni Caleb ang pangbida, imposibleng wala talagang makakarinig sa sinabi nya kanina. Tunog namo-mroblema bilang isang estudyanteng walang maintindihan sa gitna ng klase.
Ngumiti si Gio, "After class, ice cream." Bulong nya. Nasa kaliwang likuran ko sya kaya...
"Kasama kami, diba?" Singit ni Fio
"Matik na yan, syempre." Sunod na ani ni Caleb. Humanga pa nga ako dahil may kalayuan sya sa pwesto ni Gio pero narinig nya pa 'yon.
Gusto ko man matawa, ngumiti nalang ako sa pwesto ni Gio, mukhang wala rin naman sya magagawa kaya tumango nalang ito. Wala na ibang nangyari at lutang ang aming isip habang nagtuturo ang mga guro sa harapan.
Tipikal na mga estudyante lang kami, ganito ang nangyayari tuwing may klase. Inilalagay ko palang ang isang notebook ko sa bag nang mag humawak sa uluhan ko, kaya tumungo ako para malaman kung sino ito.
"Ah, Isid!" May gumuhit na ngiti sa labi ko, ito ang unang pagkakataon na lumapit sa'kin si Isid ngayong nasa paligid pa namin ang ibang kaibigan. "May kailangan ka?"
Lumapit naman agad ang iba dahil napansin nila ang nangyayari. "Kung hindi mo kayang gawin ang ipapagawa sayo Cathy, huwag mo nalang pansinin." Sinserong payo ni Eula na nasa likuran ni Isid.
Napansin ko kung paano sumang-ayon ang iba sa sinabi ni Eula. "Bakit naman kayo ganyan kay Isid?" Natatawa kong tanong.
Lumapit sa upuan ko si Samuel at nangalumbaba dito. "May madilim na sekreto ang mga tahimik na tao." Mangahulugang sambit nya.

YOU ARE READING
Kaibigan
HorrorKaibigan. Sila ang mga taong, nandyan sa tabi tuwing may kailangan. Aalayan kung may problema at sa kahirapan. Mahuhugutan ng saya at kaligayahan sa gitna ng hinagpis at kalungkutan Ngunit sa isang magbabarkada, kakaiba ang pagkakaintindi sa salita...