Pang-Walo

5 1 0
                                        

Pang-walong Sekreto

ALAM KO na halatang-halata na sa mukha ko kung ano ang nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan. Tila may gerang nagaganap sa mismong harapan ko.

Sobrang ingay at mga walang balak magpahuli.

"Ako nga kasi!"

"Let's be serious, Caleb. Ano ang matututunan sa'yo ni Cathy, aber? Paano maging tanga?"

"You-! Eh ikaw, halata naman na wala ka'ng maiaambag sa liit ng kukote mo ah!"

"Stop it. Masita pa tayo."

"Plastik 'yan, Gio? Nakita ko pa nga kung paano kuminang ang mga mata mo at kung paano ka umuusig papalapit kay Cathy nang marinig mo ang sinabi ni ma'am eh!" Walang awat na bira ni Fio kay Gio. Kita kung paano mamawis ang lalaki habang pilit na tinatanggi ang sumbat ni Fio.

Pikit na nilalabas ko nalang sa kanilang tenga ko ang ingay na nagaganap. Kahit ganto, masaya na ulit ang kalooban ko dahil bumalik na ulit ang lahat sa dati.

Bumalik na si Gio sa amin, kahapon lang. Halos mangiyak pa nga ako nang masilayan ko ang maliwanag at maaliwalas n'yang pagmumukha. Grabe, hindi ko maipaliwanag.

Doon ko napagtanto kung gaano sila kahalaga sa'kin. Kung gaano kahalaga ang bawat isa para sa'kin. Na para bang hindi ako mabubuo nang wala sila.

Wala narin akong balak tanungin kung ano ang buong kwento at bakit sya nawala. Ang importante na lang sa'kin ay bumalik na ang malambing n'yang ngiti at marahan n'yang pagsasalita samin.

"You really like his face." Napaikda ako sa boses na sumulpot.

"H-Ha?"

Hindi ko mabasa kung ano ang emosyon ni Isid pero inulit nya ulit ang nasabi. "Gustong-gusto mo talaga ang mukha ni Gio, 'no?"

Nakaramdam ako ng saglit na hiya. Gano'n na ba kahalata ang pagtitig ko kay Gio? Ahh!

Matinding iling ang ginawa ko, "Hindi! Hindi ah..." Unti-unting nawala ang boses ko. It sounds defensive base sa pagtaas ng boses ko eh.

Nakakuha pa ako ng sobrang lalim na titig nito bago ako tigilan, na kinahinga ko ng malalim. Matapos nang mahigit na isang linggong prank nila sa'kin, pansin ko kung paano maging sensitibo si Isid.

Hindi ko mawari kung ano ang mga pagbabago ngunit mas lalo s'yang napapalapit sa'kin. Well, hindi naman sa ayoko. I'm loving it but also confuse at the same time.

" Cathy!"

Kapag talaga magkakasama kami, halos hindi magsawang pangalan ko ang palagi nilang binabanggit at sinisigaw. Nilingon ko sila at nagulat nalang ako nang halos lahat ay nasa akin ang atensyon.

A-Anong meron? Pinanindigan ko ba talaga ang paglabas ng mga sinasabi nila sa kanila kong tenga? Hindi ko napansin kung ano na ang nangyayari.

"B-Bakit?" Alanganin kong ngiti sa kanila.

Ramdam ko ang hanging nakapaligid samin ngayon. Puno ng kaseryosohan. "Sino ang pipiliin mo para maging partner mo?" Tanong ni Eula.

Parang nawalan na ng boses ang mga nagbabangayan, hindi nagpapatalo ang dalawang sila Fio at Caleb. Pwede na ata madrawing ang itsura ko ngayon. Hindi parin pala sila tapos sa usapan na 'yan.

"Hmm," saglit akong napaisip. Sino ba ang ligtas na pwedeng piliin sa kanila?

Kung usapang school works, si Gio talaga ang nakakataas dyan. Kaso, makakaramdam ako ng awkwardness sapagkat may mga tanong ako sa kanya na gustong-gusto kong sabihin kasi mukhang hindi pa ata ito pwedeng sabihin.

KaibiganWhere stories live. Discover now