Unedited...
"Hey," tawag ni Antasha nang makita si Ethan na may dalang milktea. "Para sa akin 'yan?"
"Pakibigay nga kay Rutchel," sagot ng binata na ikinawala ng ngiti ni Antasha.
"Eh di ikaw na ang patay na patay sa bigaon," sabi ni Antasha na kulang na lang ay sapakin ang kaharap nang magising.
"Bunganga mo," saway ni Ethan.
"Bakit? Ayaw mong tanggapin ang totoo? Tawag sa babaeng naghanap ng iba bago makipag-break? Eh di malandi! Bigaon!"
Sa sobrang inis, mahinang pinitik ni Ethan ang noo ng dalaga.
"Ouch!" daing ng dalaga.
"Nagseselos ka na naman? Gusto ko nang isipin na gusto mo ako," sabi ng binata.
"Kapal mo! Ikaw hambog ka talaga!" inis na sabi ni Antasha. Iniwan na nga ito tapos maghahabol pa.
"Ibigay mo na 'to, may gagawin pa ako," pamimilit ni Ethan.
"Ayaw ko! Utusan mo ako?" tanong niya. Siya kaya ang CEO ng kompanya niya tapos utusan lang ng driver?
"Ayaw ko siyang makita," pag-amin ni Ethan.
"Ba't mo binilhan ng milktea? Secret admirer ang peg?"
"Siya ang nagpabili," sabi ni Ethan na nakasalubong ang kilay.
"Wee?"
"Ethan," tawag ni Rutchel at nilapitan sila. "Thank you sa milktea."
"Ito ang sukli mo," sabi ni Ethan sabay bigay ng sukli sa isang daang pera nito pero tiningnan lang ni Rutchel ang kamay niya.
"Keep the change," ani Rutchel at nginitian ang binata.
"Hindi ko kailangan ang sukli," sabi ni Ethan.
"Come on, mainit sa labas kaya ibili mo ng palamig."
"Eh di wow!" sabat ni Antasha. Akala mo talaga bata ang inutusan. Maka-keep the change akala mo hindi nangungupit sa padala ni Ethan noong OFW pa. For sure hindi pa ito nagbabayad.
"Ikaw, bumalik ka na sa trabaho mo," utos ni Rutchel. "Sayang ang pasahod ng kompanya sa 'yo."
"Wala pa akong natatanggap na sahod," sabi ni Antasha dahil wala pa siyang one month.
"Kaya pala. Kapag sumahod na, mag milktea rin kayong magjowa. Date ba."
"Sorry, hindi ako nagmi-milktea kapag mag-date," sabi ni Antasha. Sinong walanghiyang cheap na lalaki na milktea lang ang ipainom sa kanya kapag makipag-date kung afford niya ang mamahaling pagkain?
"Excuse me. Sayang ang oras ko sa inyo," paalam ni Rutchel at iniwan sila.
"Ikaw!" gigil na sabi ng dalaga at kinurot sa tagiliran si Ethan.
"Araguy! Ano ba?" daing ng binata na lumayo sa dalaga.
"Bakit ka ba nagpapautos doon? Driver ka rito at hindi utusan! Puppet ka ba niya, ha?"
"Ayaw kong makipagtalo."
"Dahil matatalo ka. Wakeup, Ethan! Hindi ka na niya mahal kaya mag-move on ka na! Bigyan mo naman ng value ang sarili mo kahit na mahirap ka!"
"Bakit ba nakikialam ka?"
"Dahil ayaw kong nakikita kang nasasaktan!" pag-amin ng dalaga. "Kahit na palagi mo akong inaaway, mabait ka pa rin naman sa akin e."
BINABASA MO ANG
3.The CEO's Secret Lover
RomanceMula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na inireto ng pamilya sa kanya. Humingi ng tulong sa delivery truck driver na nadaanan kaya dinala sya ne...