Unedited....
"Manong Ambo," tawag ni Rica sa matandang driver.
"Ma'am."
"Ito pala, pinapabigay ng CEO ng company."
"Ano 'to?" tanong ni Manong Ambo na kinuha ang maliit na box."
"Buksan mo. Sabi ng CEO, bigyan daw ang nasa fifty plus nito bilang pasalamat sa mabuti mong trabaho."
"Nako, salamat po," pasalamat ni Manong Ambo na nagulat nang makita ang gintong kwintas at may sampung libo. "Hala, Ma'am. Masyado pong mahal ito."
"Bigay ho 'yan ng CEO. Nalaman din niya na birthday ng anak mo kaya para sa kanya ang kwintas na 'yan."
"Talaga ho?"
"Oo. Umuwi ka na ho ngayon, half day ka lang," nakangiting sabi ni Rica.
"Nako, pasabi ho sa boss natin na maraming salamat."
"Sige po. Happy birthday sa anak mo," sabi ni Rica at bumalik sa opisina. Ito ang maganda sa boss niya, mapagbigay talaga kapag magustuhan ka niya.
"Hi," bati ni kay Rutchel nang mapadaan sa opisina. "Si Tasha?"
"Ewan. Madalas na umaalis 'yon, madam. Magto-toilet lang minsan inaabot ng isang oras," sumbong ni Rutchel.
"Ganoon ba? Baka may ibang ginagawa," depensa ni Rica.
"Sayang lang din ang bayad sa kanya ng kompanya. Wala pa siyang naipapasang design," ani Rutchel.
"Don't worry, ako na ang bahalang kumausap sa kanya," sabi ni Rica. As if na kaya niyang pagalitan ang CEO nila. Takot lang niya, no.
Lumabas si Rica at tinawagan si Antasha. Nasa baba ito at nagkakape kaya pinuntahan nya.
"Madam. Bakit nandito ka? Alam mo bang kung ano-ano nang sinasabi ni Rutchel tungkol sa 'yo?"
"Hayaan mo siya. Mamatay sya sa inggit!" sagot ni Tasha.
"Lalo na kapag malaman niyang boss ka niya," natatawang sabi ni Rica.
"Naibigay mo na ba kay Manong Ambo?"
"Oo. Laking pasalamat ng matanda."
"Deserve niya 'yon. Isa pa, ang sipag din niya."
"Teka, wala ba ang boyfriend mo?"
"Nasa Aklan daw! Naghatid ng something," nakalabing sabi ni Tasha.
"Miss mo siya? Ayieeee," tukso ni Rica sabay siko sa boss.
"Tigilan mo ako! Hindi ko siya boyfriend, no! Nasabi lang niya yun dahil kay Rutchel. For short, panakip-butas lang ako."
"Tampo ka na niyan?"
"Medyo."
"Pero madam, mukhang seryoso naman siya sa 'yo. Tingnan mo, kinausap nya nang maayos si Madam Kristina. At hindi niya idineny na kayo. Ibig sabihin, kayo talaga para sa kanya."
"Hmm? Syempre nahiya lang siya, no. Napasubo kasi wala siyang choice. Magkasama kami sa bahay e."
"Wag ka nga. Totoo talaga, nakikita ko na gusto ka niya."
"Tama na nga. Libre mo ako ng pancake," sabi ni Antasha na napasulyap sa lalaking pumasok sa coffee shop kaya sinundan ni Rica ang tinitingnan niya.
"Hala, ang gwapo madam."
"Gosh! Bakit nandito siya?" gigil na tanong ni Antasha. Nang mapasulyap sa kanila ang binata ay agad siyang tumalikod.
"Kilala mo siya, madam?" tanong ni Rica.
BINABASA MO ANG
3.The CEO's Secret Lover
RomanceMula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na inireto ng pamilya sa kanya. Humingi ng tulong sa delivery truck driver na nadaanan kaya dinala sya ne...