Unedited...
"Are you excited sa wedding natin?" tanong ni Tasha nang pumasok si Ethan.
"Of course. Busy lang talaga sa office kaya hindi kita nasamahan kanina. Galit na galit ka ba?"
"Nagtatampo lang pero dahil trabaho naman, excused ka na," sabi ni Tasha. "Look, ito ang gusto kong design ng shoes tapos sa Navarro's shoes natin ipagawa."
"Okay," pagpayag ni Ethan dahil ang ina ni Tasha ang mismong nag-design ng sapatos. Ang gown naman ay ang pinsan nitong si Anelyn na ayon din sa gusto niya.
Next month na ang plano nilang ikasal, Dec 23. Hindi na nila kaya pang paabutin ng 25 dahil gusto nilang private ang celebration nilang magpamilya. Balak nila na sa Resthouse ng mga Arguela sila sa Batangas mag-celebrate ng pasko kasama ang ina at lola ni Ethan dahil may bagong bili na beach house ang parents ni Tasha.
"Matcha at dusty rose ang motif natin sa kasal. Okay na ba ito?" tanong ni Tasha. Lahat ng designs, colors at venue ay siya lahat nagpaplano kasama ang planner dahil hands-on siya sa kasal nila.
"Ikaw ang bahala. As long na masaya ka."
"Ethan naman. Kailangan ko ang opinion mo!" inis na sabi niya kaya natawa si Ethan at pinisil ang ilong niya. "Hey, ano ba?"
"Wala nga akong idea sa ganyan, Tash. Kung ano ang gusto mo, iyon ang masusunod kahit na pagsuotin mo pa ako ng rainbow color. Ang mahalaga lang talaga sa akin ay maikasal at ikaw ang bride ko. Bahala na ang bisita, pagkain, kulay at venue. Gusto kitang tulungan pero wala talaga e. It's our wedding but it's your dream wedding. Tutulong ako sa pag-pick up ng gamit, pagpunta sa ganito ganyan pero lahat ng idea ay sa 'yo dahil gusto ko maging perfect sa 'yo ang lahat sa araw na maging isa tayo."
"Hmm? Ang sabihin mo, tamad ka lang talagang mag-isip," kunwari nagtatampo siya pero gusto naman niya ang ginagawa. Hinahayaan lang siya ni Ethan pero suportado siya nito. Minsan nagbibigay rin ito ng idea gaya ng dapat dito maupo ang ganito, ganyan. Or dapat dito banda ang nagpa-piano at doon sila sasayaw.
"Ganoon na nga," nakangiting sabi ng binata saka hinapit sa bewang si Tasha.
"Hey, may kasama tayo," bulong ni Tasha sabay nguso kina Rica at Ritz nang halikan na sana siya nito sa mga labi.
"Hayaan mo sila," bulong ni Ethan at itinuloy ang paghalik sa kasintahan. "Ginagawa rin naman nila 'yan kapag silang dalawa na lang," pilyong dagdag niya saka lumayo kay Tasha.
"Ikaw ha. Isusumbong kita sa dalawa," biro niya.
"Sumbong mo, nang mawalan sila ng bonus kapag magreklamo," hamon ni Ethan.
"Ay, wag na. Sayang ang presyong tanga," natatawang sabi ni Tasha.
"Tasha!" may diing saway niya sabay dilat sa kasintahan. Napipikon talaga siya kapag ipaalala nito ang presyong tanga. Ayaw pa naman niya ang pagtawanan.
"Madam," tawag ni Rica nang lumapit. "Okay naman ang weather sa twenty two kaya ayos na ayos ang venue natin."
"Nice," sabi ni Tasha. Iniwan na muna sila ni Rica at nakipag-usap ulit kay Ritz. Balak nilang ikasal sa simbahan dahil iyon daw ang dream wedding ni Ethan. Iyon lang naman ang hiling nito kaya pinagbigyan na siya ni Tasha basta ang venue ay beach wedding kaya sa Molo church sila ikakasal para malapit sa Pah Tau hai alegre beach resort sa Oton ang venue.
Dalawa ang pinagpipilian nila, Jaro Cathedral o Molo church pero mas malapit ang Molo sa venue kaya Molo na ang pinili nila dahil isa rin naman itong tourist spot sa Iloilo lalo na't katapat lang nito ang plaza.
BINABASA MO ANG
3.The CEO's Secret Lover
RomantizmMula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na inireto ng pamilya sa kanya. Humingi ng tulong sa delivery truck driver na nadaanan kaya dinala sya ne...