8 .

10.6K 377 52
                                    









Unedited...










Dahil sa request ni Antasha, sa kabilang table na sila pumuwesto. Doon nakilala niya ang ilang kaibigan ni Ethan sa lower section na ngayon ay successful na rin pero down to earth pa rin at ang iba ay hindi man pinalad na makamit ang pangarap pero makikita ang saya sa buhay.

"Tama na ang inom," saway ni Ethan dahil naka apat na bote na ng Tanduay ice si Antasha.

"Okay," nakangiting sagot ni Antasha na kita ang namumulang pisngi. "CR ako."

"Tara, doon," sabi ng binata at sinamahan ang dalaga sa CR. "Pumasok ka, dito lang ako sa labas."

"Okay," ani Antasha kaya sa labas na naghintay ang binata.

"Lasing na ata si Antasha," sabi ni Rutchel na kakalabas lang.

"Okay lang, kasama naman niya ako."

"Tigabantay ka ng lasing?"

"Sanay na ako," sagot ni Ethan dahil madalas na nalalasing si Rutchel noon kapag mag-night out sila.

"Ethan, kung ginagawa mong panagip-butas si Antasha, itigil mo na," seryosong sabi ni Rutchel kaya natawa si Ethan.

"Payo mula sa nanloko ba 'yan?" tanong ni Ethan kaya halatang nabigla si Rutchel. Mula nang makipag-break ito sa kanya ay wala siyang kahit isang sumbat na narinig sa binata. Ilang beses itong nagtanong kung bakit at ano ang dahilan pero never itong nanumbat o naningil. Nakikita lang niyang nasasaktan ito pero ni minsan ay hindi ito lumaban. Tinanggap nito ang desisyon niya at pinalaya siya kahit na labis na nadurog.

"Hindi kita niloko, Ethan. Alam mong sinubukan ko pang ayusin at pakisamahan ka pero alam mo kung ano ang pagkukulang mo."

"Pera," sagot ng binata at ngumiti. "It's okay."

"M-Mahal ko si Anton at kaya niyang ibigay ang lahat ng gusto ko. May future ako sa kanya at ilang beses na kitang sinabihan na unahin mo ang pag-aaral mo kung talagang mahal mo ako."

"Hindi lahat ng tao ay kasing swerte ninyo. Iba-iba tayo ng pinagdadaanan sa buhay at swerte mo na hindi nangyari sa 'yo ang nangyari sa pamilya ko," sabi ni Ethan na sobrang na-disappoint kay Rutchel.

"Hindi tatagal si Tasha sa 'yo. Darating ang araw na iiwan ka niya dahil sa pera," siguradong sabi ni Rutchel.

"Kung darating man ang araw na iyon at least alam kong sinamahan niya ako sa lowest part ko," sagot ng binata.

"Sa ngayon lang yan pero kapag mapagod na siya sa sobrang kahirapan, iiwan ka niya sa pinaka-lowest part mo."

"Pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Tasha nang lumabas. "Pasali naman."

"Uwi na tayo," yaya ni Ethan na sinalubong ang dalaga dahil paika-ika na ang lakad.

"Ang pogi mo talaga, Ethan," nakangiting sabi ni Tasha habang nakatingala sa binata.

"Lasing ka na," bulong niya.

"I am not," sabi ni Tasha at hinarap si Rutchel. "Uy, ayaw mo na sa kanya, di ba? Akin na 'to ha. Walang bawian."

"Hindi ako kagaya mo na tigasalo ng basura," sabi ni Rutchel kaya tumawa si Tasha.

"Designer ako, kaya kong pagandahin ang lahat ng bagay na nahawakan ko ginto man o basura," taas noong sagot ni Tasha.

"Under lang kita!" pagmamalaki ni Rutchel.

"Eh di wow!" sagot ni Tasha and she rolled her eyes. I-fire kaya niya ito nang matigil na sa kahibangan.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon