27 (.

11.7K 386 43
                                    





Unedited...







"Salamat, Mister Lopez," pasalamat ni Tasha at nakipagkamay sa kaharap.

"Thank you rin sa tiwala, Miss Arguela," pasalamat ni Troy Lopez na nagbigay ng 5% shares sa CA company rito sa Iloilo branch.

"Thank you po, Ate," pasalamat ni Niel na sumama sa ama para matutunan kung paano magpalago ng family business nila.

"Ang pogi mo naman, Niel," puri ni Tasha sa binatang kaharap. Nasa bente anyos na ito at kasalukuyang nag-aaral sa St.Paul University of Iloilo.

"Thank you po, Ate."

"May girlfriend ka na ba?" tanong ni Tasha. "Siguro maraming naghahabol sa 'yo no?" biro niya kaya ngumiti ang binata.

"May girlfriend lang ho," sagot ni Niel.

"Sige na, Miss Arguela, alis na kami. Uuwi pa kami eh," paalam ni Troy kaya sinundan ni Tasha ang mag-ama.

"Sure ka ba sa ginawa mo, Madam?" tanong ni Rica.

"Five percent lang naman ang share nila pero malakas kasi ang hatak ng mga Lopez lalo dito sa Iloilo," sagot ni Tasha.

"Kay Sir Viktor ka na lang kaya makipag-"

"Wag mong mabanggit ang pangalan ng mokong na 'yun!" salubong ang kilay na saway ni Tasha. "Tara na, alis na tayo."

"Okay," pagpayag ni Rica at bitbit ang gamit, lumabas na silang dalawa sa hotel room pero nasa lobby na sila nang makita nila sina Ethan at Ritz.

"Hey!" tawag ni Rica. "Ginagawa ninyo rito?"

"May pinuntahan lang," sagot ni Ritz dahil mukhang shocked pa ang boss sa pagkikita nila. "Kayo?"

"May kinita lang na client para sa company," sagot ni Rica at matamis na ngumiti kay Ritz.

'Tamang-tama. Gusto nyong mag-lunch na? Sabay na tayo," alok ni Ritz.

"Libre mo?" mabilis na tanong ni Rica.

Kaya napakamot sa ulo si Ritz. Syempre CEO ang mga kasama niya kaya malamang oorder ng mahal ang mga 'to.

"Bakit? Don't tell me wala kang panlibre?" mataray na tanong ni Rica.

"Ikaw-syempre may panlibre ako!" taas noong sabi ni Ritz na gusto sanang awayin si Rica pero babae ito. "Magkano ba ang iorder mo at nasabi mong hindi ko afford?"

"Syempre afford niya. CEO kaya siya ng Viktors," sabat ni Tasha at nginitian si Ritz. "Di ba, Viktor?"

"Oo naman," sagot ni Ethan na siniko ang assistant. "Boss, ito yung card na pinadala mo sa akin kanina." Sabay bigay ng credit card kay Ritz.

"Ay, dala mo pala? Sure. Libre ko kayong lahat. Eat all you can!" masiglang sabi ni Ritz.

"Sure. Dito na tayo sa hotel mag-diner," sabi ni Tasha at nauna nang naglakad papasok sa hotel restaurant.

"Boss, sure ka? Anong password nito?" bulong ni Ritz.

"Birthday ko," sagot ni Ethan.

"Ang dali naman palang ma-hack," wika ni Ritz.

"Bilis na. Order mo lahat ng gusto niya ha."

"Okay, boss."

Nang sumunod sila sa restaurant, tumabi si Ethan kay Tasha na pumipili na ng menu.

"Ano ang gusto mo, Tash?" tanong ni Ethan saka hinawakan ang hita ng kasintahan.

"Kahit ano. Tutal libre naman ni Viktor, lahat ng menu na," sagot ni Tasha.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon