Unedited...
"Kita tayo mamaya," sabi ni Antasha nang makababa sa sasakyan. "Bye."
"Oops," ani Ethan at pinigilan sa kanang kamay ang dalaga. "Wala bang kiss?"
"Eh? May makakita sa atin!" saway niya sabay hampas sa balikat ni Ethan.
"Wala. Bilisan mo lang." Gusto na niyang matawa sa hitsura ng kasintahan. "Ayaw mo?"
Napansin ni Tasha na kakababa lang ni Rutchel sa sasakyan ni Anton.
"Okay. See you later," sabi ni Antasha saka tumingkayad at hinalikan sa mga labi ang kasintahan.
"I love you," sabi ni Ethan nang lumayo si Tasha.
"Love you too," sagot ni Antasha at pumasok na sa building pero sinabayan siya ni Rutchel.
"Alam mo bang bawal ang makipagrelasyon sa kapwa empleyado?" tanong ni Rutchel.
"Hindi. Sino ang may sabi niyan?"
"Dito sa CA, bawal dahil iniiwasan iyon ng—"
"Hindi ko alam 'yan."
"Basahin mo ang handbook."
"Wala akong panahon para magbasa!"
"Alam kong malapit kayo ni Ma'am Rica pero kapag malaman niyang inaabuso mo ang friendship ninyo, wala siyang magagawa kung ang CEO mismo ang makaalam sa pinaggagawa ninyo."
"Ah, kaya ba hindi mo ipinaalam sa lahat na kayo ni Anton kasi takot kang husgahan ng mga katrabaho natin or takot kang malaman na two timer ka?"
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!"
"Two timer ka!" ulit ni Antasha.
"Wala kang alam!" Gigil na sabi ni Rutchel.
"Wala nga pero two timer ka!" giit ni Antasha. Nagpipigil lang siya na patalsikin ito sa kompanya dahil baka kunin ng Viktors at siraan siya pero may oras din ito sa kanya.
"Wala ka na bang respeto?" galit na tanong ni Rutchel.
"Anong mayroon?" tanong ni Rica na pasalubong sa kanila.
"Ma'am, wala na po siyang respeto. Alam kong close kayo pero dapat marunong siyang tumingin ng seniority at ng level sa company." sumbong ni Rutchel.
"Hindi mo deserve ang respect ko!" sagot ni Antasha saka tinalikuran ito at dumiretso sa opisina.
"Kung may alitan kayo ni Tasha, wag ninyong dalhin dito sa opisina. Hayaan mo, pagsabihan ko siya," labas sa ilong na sabi ni Rica. Syempre hindi niya magagawa iyon dahil baka mag goodbye bonus na talaga siya at baka siya pa ang masibak sa trabaho.
"Salamat, Ma'am."
Nang pumasok sa opisina, inirapan niya si Antasha. Humanda ito at bibigay siya ng pinakamababang ratings.
Tumunog ang cellphone ni Antasha kaya sinagot niya.
"Yes?"
"Hello, Tasha, right? This is from Viktor's company. Pwede ba tayong mag-usap? May time ka ba mamaya?" tanong ng sa kabilang linya.
"Kailangan mo?"
"Okay lang bang makausap ka ng boss mamaya?"
"Anong oras?"
"Anytime. Punta ka lang daw sa opisina."
"Okay," pagpayag niya. Kakausapin din talaga niya si Viktor para warningan na wag kunin si Ethan.
BINABASA MO ANG
3.The CEO's Secret Lover
RomanceMula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na inireto ng pamilya sa kanya. Humingi ng tulong sa delivery truck driver na nadaanan kaya dinala sya ne...