17

10.5K 378 44
                                    















Unedited...









"Masyado naman yatang mapagmahal ang spoiled brat?" bulong ni Ethan habang nagmamaneho. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang bibilhin lang ng unica hija ng mga Arguela ang subdivision at lupain niya para ibigay sa kasintahan nito. Ngayon pa lang ay naiinis na siya sa kasintahan nito dahil ki lalaking tao parang umaasa sa mayamang kasintahan. Dapat ito pa nga ang magbigay ng regalo sa babae eh.

"Haist! Kinakausap kita!" inis na sabi ni Tasha kaya napatingin si Ethan dito.

"I'm sorry," paumanhin niya. "Marami lang akong iniisip."

"Like what?"

"Yung buhay ko sa Viktors. Paano kung hindi papasa ang mga gawa ko?" pagsinungaling niya.

"Kaya mo 'yan. I'm here kung kailangan mo. Same pa rin tayo ng company," sabi ng dalaga para bigyan ng lakas ng loob ang kasintahan pero kulang na lang ay ipa-salvage niya ang CEO ng lilipatan.

"Thanks sa suporta, Tash."

"Walang problema, amego," nakangiting sabi ni Tasha.

"Sure, amega." nakangiting sabi ni Ethan.

"Malayo ba ang Guimaras?" tanong ni Tasha.

"Fifteen minutes lang nandoon ka na."

"Okay. Kamusta na pala ang Mama mo? Kailan siya babalik sa abroad?"

"Baka next month," sagot ng binata.

"Sana ginagala mo siya."

"May kasama siyang mga kaibigang gumala."

"Iba pa rin kapag ikaw ang kasama niya."

"Hindi kami close ni Mama," pag-amin niya.

"Mama mo pa rin siya."

"Ayaw kong pag-usapan," pag-iwas ni Ethan. Ilang tao na ang nagsabi sa kanya na kalimutan na ang nangyari at patawarin na ang ina pero hindi naman niya mapilit ang sarili. Bata pa lang ay nakatatak na sa isip niya ang pang-iiwan ng kanyang ina sa kanilang ama para sa lalaki kaya paano niya ito mapatawad? Kahit na ito ang dahilan kung bakit siya naging mayaman, hindi pa rin matatakpan nito ang pagiging makasarili niya. Sino ang matinong ina na iwan ang pamilya para sa pera?

Pagdating sa parola, nandoon na ang mga kasama nila sa department.

"Tara na," sabi ni Rica. Dalawang malaking bangka ang sasakyan nila. Pagdating doon ay may tatlong van din ang susundo.

"Ma'am," tawag ni Mang Ambo na lumapit sa kanila at kay Rica nakatingin. "Pasabi pala sa boss natin na maraming salamat sa bigay niyang kwintas sa anak ko, sobrang natutuwa ho siya."

"Sure po na makarating," sabi ni Rica na napasulyap kay Tasha.

"Salamat din ho sa pagsama," dagdag ni Mang Ambo.

"Oo naman po. Bahagi na kayo ng team namin. Isa pa, kailangan namin ng driver pagdating sa Guimaras."

Paakyat na sila sa bangka si Tasha nang madulas kaya napatili siya.

"Hey, ingat," sabi ni Ethan na agad sumaklolo sa kasintahan. Buti at nasalo niya ito.

"Thanks," pasalamat ng dalaga na medyo sumakit ang paa. "Madulas kasi kaya— Hey. Ginagawa mo?" bulong niya nang buhatin siya ng binata saka iniakyat sa bangka. "Ethan." bulong niya dahil pinagtitinginan sila.

"Baka madulas ka at tuluyan nang mabalian, mahirap na," bulong ng binata saka dinala ito sa upuan at pinaupo.

"Uy, kailan ang anniversary ninyo?" tanong ni Pia.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon