Katabi ko siya.Woooh! Grabe. Hindi ko talaga alam kung anong dapat na mararamdaman ko o kung ano man lang ang irereact ko. Can you believe it? Katabi ko yung crush ko!
Bakit ganito? Paano ako makakaconcentrate? Paano ako makakapag-aral ng maayos kung wala pang isang meter ang layo namin sa isa't-isa?
I can't think and breathe properly. Feeling ko, ang likot-likot ng mata ko tapos gusto nitong tumingin sa may gilid ko. Tanggalin ko kaya muna sila sa eye socket nila? Ang kulit kasi.
"Princess." tawag ng English teacher ko sa isa sa mga kaklase ko. Kasabay naman nun ang pagbulong ng isa sa mga kaibigan ni crush sa kanya.
"Uy, nakangiti." sabi nung kaibigan niya sa kanya. Alam ko naman ang ibig sabihin nila.
At etong pasaway kong puso, nasasaktan kahit wala namang karapatan.
Syempre, ngingiti si crush marinig lang ang pangalan niya kasi crush niya yun. Sino ba namang hindi diba? Ako nga, marinig ko lang ang pangalan niya, yung puso ko nagwawala na. Yung ngiti ko, umaabot hanggang tenga.
Hindi nalang sumagot si crush at sa tingin ko, pinapakinggan lang niya si Princess habang sumasagot sa kung anoman na tanong ng teacher namin.
Tumungo nalang ako at nagdoodle sa likod ng notebook ko. Pero hindi pa man ako nakakatagal sa pagkakayuko, bigla akong tinawag ng classmate ko na nasa harapan ko.
"Itago mo." bulong niya sabay abot ng notebook ni Drei. Nung una, hindi ko naintindihan yung sinabi ni Ethan pero nung titingin na sana si Drei sa may pwesto ko, bigla nalang niya itong isinilid sa bag ko.
"Anong problema mo, Ethan?" I asked pero ngumiti lang siya ng nakakaloko. Napatingin ako sa katabi kong si Von at tumatawa lang din siya. So they're playing a prank on Drei.
Sige, mukhang masaya naman 'to.
Hinayaan ko nalang yung notebook niya sa bag ko habang siya ay hindi na mapakali kahahanap ng notebook niya. Hindi niya alam, nasa amin lang pala yun. Pft.
Nakinig nalang ako sa teacher namin sa harap and may tinawag siyang names ng mga magrereport. Group 4 daw so it means na hindi ako makukuha since nasa group 2 ako.
"Lily, Shay, and..." medyo inilapit ni Ma'am yung paper sa mukha niya, "Troy."
Luh. Sila nanaman? Paborito ata nila Ma'am yang trio na yan.
Nagpangalumbaba ako habang nakikinig sa kanila pero hindi pa man sila nakakatagal sa unahan eh nagtaas ng kamay si Ezekiel. Yung crush ko.
Nagtanong siya kay Ma'am if he can go to the restroom. Pumayag naman si Madam at sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng classroom.
Yes! I had a reason to look at him for more than five seconds.
Hindi siya yung ideal type ko pero ewan ko ba. Nakaka-attract siya. The way he moves, he talks, he acts, ewan ko. May something sa kanya na magugustuhan mo nalang. He's unique.
Habang nakatitig ako sa kinauupuan niya, nakita ko yung notebook niya. I don't know what's with me kasi bigla ko nalang itong kinuha at isinilid sa bag ko.
Pagbalik niya, nagulat siya kasi wala na yung notebook niya. I pretended na tulog ako para hindi niya ako paghinalaan and gumising nalang ako after ng english class namin.
Dumaan ang maghapon and nag-uwian na din kami. Ibinalik ko na yung notebook ni Drei pero yung kay Ezekiel, hindi. Ayoko. Ayokong ibalik. Parang gusto ko muna 'yung itabi sa kwarto ko.
Lumipas yung mga araw at ayun, medyo nagiging close na kami ni crush. Credits sa seating arrangement namin. Yung simpleng hi and hello lang namin dati, naging asaran na. Alam niyo yun? Ang saya sa feeling. Parang nagiging close na kayo.
BINABASA MO ANG
The Notebook
Kısa HikayeSome words are better left unsaid. And some things are better left unseen.