Chapter 22 - Poison

82 7 0
                                    

*Sereia POV*

"Anong ginagawa mo dito iha." Tila natuod ako nang marinig ang isang malambing na tinig.

Ina? Walang duda siya ang aking Ina.

"P-patawad po k-kamahalan." Kinakabahang saad ko dito habang mariing nakayuko lamang ang ulo.

"No need to apologize dear. The Ball Room is that way." Tila isang halina ng musika ang kanyang boses sa sobrang hinhin at lambing.

"Patawad po kung nagtungo ako dito. Gusto ko po kasing magpahangin muna bago bumalik sa loob." Pagsisinungaling ko dito. Patawad ina kung sa una nating pagkikita ay nagsinungaling na agad ako.

"That's alright dear. I guess that you also like flowers and a quite place." Napa-angat ang tingin ko dito ng makita ang nakangiti nitong mukha.

"O-opo, I-mahal na reyna." Mabubuking pa ko.

"Did you know the feeling that something is still missing." Pagbubukas nito ng panibagong usapan.

Missing?

"Bakit po? Hindi po ba kayo masaya?" Tila malungkot na tugon ko dito.

"Dapat nga akong maging masaya kasi nakita na namin ang nawawala naming anak at naibalik narin ang perlas ng Merlian ngunit bakit sinasabi ng puso kong may kulang parin. Hindi nito magawang maging masaya." Malungkot na ani nito. Tila parang pinipiga naman nito ang aking puso.

Andito ako Ina. Ako ang anak mo. Nasa harapan mo na. Yun ang nais kong sabihin sakanya ngunit natatakot akong hindi niya ako paniwalaan katulad ng iba. Natatakot ako na baka hindi maniwala saakin ang sarili kong Ina.

"May nakapagsabi po sakin. Kapag may kulang punan mo ng masasayang memorya. Kasi sa masasayang memoryang iyon po doon mo ramdam na kompleto ka." Nakangiting saad ko dito habang nakatanaw sa nagraramihang bulaklak sa harapan namin.

"You sure knows lots of words of wisdom." Nakangiting ani nito.

"Pwede ko po ba kayong mayakap para kahit ngayon lang ay maging magaan na ang inyong kalooban." Kinakabahan kong tanong dito. I should grab my chance now habang may panahon pa ako. And now is my chance especially that my mother is already here in front of me.

"Come here dear." Malambing na ani nito.

Agad akong lumapit dito saka mahigpit itong niyakap. At last, I finally hugged my mother. Pwede na akong mawala dahil natupad ko na ang nais ko noon pa man.

"Why are you crying dear?" Tila nag-aalala nitong tanong sakin.

"A-ah pasensya na po. N-namiss ko lamang po ang I-ina ko."  Natatawang ani ko dito saka mabilis na pinunasan ang luha ko.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon