Chapter 15 - Someone

83 6 0
                                    

*Sereia POV*

Lumipas ang ilang araw ay naging normal naman ang mga araw ko.

Walang pang-aabuso akong natatanggap lalo nat hindi na mahiwalay pa saaking tabi si Callen. Nag-aalala siguro siya dahil sa mga salitang ibinabato saakin ng mga estudyante nong ipinakilala ang prinsesa sa buong Academy.

At ngayon ay mag-isa akong naglalakad patungo ng garden dahil doon ko na napiling kumain tuwing tangahali. Hindi ko kasama ngayon si Callen dahil pinatawag siya ni Headmaster.

Nang makarating ako ay akmang tutungo na sana ako sa paborito kong puno nang may humablot. Napa-igik pa ako nang maramdaman ang malakas na pagsabunot nito habang hila hila ako.

Naramdman ko na lamang ang malakas na pagtapon nito saakin sa pader na siyang ikina-hiyaw ko sa sakit.

Akala ko hindi na nila ako gagambalain pa. Ngunit nagkamali ako.

Naramdaman ko ang mainit na pagtulo ng kung ano sa ulo ko at nang hawakan ko iyon ay nanginig ang buong katawan ko dahil sa dami ng dugo.

"Hindi lang yan ang aabutin mo kapag pinili mong magsumbong kay Callen o kay President." Matalim na ani ni Ate Gabby saakin. Napansin ko namang katabi din nito si Lexy at Samantha.

"Bakit niyo ba ginagawa sakin to?"

"Ayaw namin sayo b"*tch! Kaya habang maaga pa, umalis ka na sa paaralan namin." Malditang saad ni Samantha.

"H-hindi ko magagawa yan. Ugghh." Napa-ungol ako sa sakit nang sikmuraan ako ni Lexy.

"Bakit? Kasi aagawin mo si Callum sa Prinsesa namin? Dream on b*tch!" Galit na sabi ni Ate Gabby.

"Hindi ko na nga siya nilalapitan. Ano pa bang dapat kong gawin." Nanghihinang saad ko sa mga ito.

"Iwasan mo rin si Prinsepe Callen at umalis sa Academy. Yun ang dapat mong gawin." Nakangising saad ni Samantha saakin. Hindi! Hindi ko kayang iwan ang kahariang ito. Ang mga yaong tumanggap sakin. Hindi ko sila kayang talikuran.

"O mas maganda na mamatay ka nalang. Total isa ka lang naman salot sa kaharian namin." Dagdag pa ni Lexy na siyang ikinagulat ko. Ang sakit parin pala.

Ang sakit kasi yung mga tinuring kong kaibigan nais rin akong mawala. Bakit ba napakalupit ng tadhana saakin?

"Oh, inumin mo yang potion na yan. Babalutin niyan ang panlabas na anyo mo, lalong lalo na ng mga sugat mo. Tandaan mo ito freak, wag na wag mong ipapakita ang mga sugat na natamo mo sa mga prinsepe. Maliwanag?" Nanlilisik ang matang sabi ni Ate Gabby saka binigyan pa ako ng malakas na sipa bago ako iwan ng mga ito na nakahandusay sa lupa.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang potion na binigay nila saka nanghihinang ininom iyon.

Ilang sandali lamang ay bumalik sa dati ang balat ko ngunit hindi nawawala ang kirot at sakit na nanggaling sa sugat na natamo ko.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon