*Sereia POV*
Nang maghapon ay nagtungo ako sa kwarto sa harap ng kwarto ni Callen. Mabuti na nga lang at wala ang ibang elites kaya nakakalabas ako ngayon ng kwarto ng matiwasay.
"Callen? Andiyan ka ba?"
"Yes, come in Sereia." Rinig kong ani nito sa loob kaya pinihit ko ang pintuan nito saka pumasok.
"Cal--" "SURPRISE!" Sigaw nito sabay ilaw ng kandila na nasa ibabaw ng cake.
"A-anong meron? Nay andito ka?" Gulat na ani ko dito.
"Oo nak, sinabihan kasi ako nitong si Callen na birthday mo daw bukas kaya cenelebrate nalang namin birthday mo ng maaga. Alam mo na lahat ng mga mamamayan ng Merlian ay nasa kaharian bukas kaya hindi ka namin mababati bukas kaya ngayon na kami naghanda para sayo." Nakangiting ani ni Nay Salvi. Tila may humaplos naman sa puso ko. Hindi ko manlang naalala na kaarawan ko na bukas. Kaarawang para sakin sana.
"Salamat Callen, Salamat Nay Salvi." Naiiyak na ani ko sa mga ito.
"Nako ang iyakin naman ng Sereia namin." Natatawang ani ni Callen saka ako niyakap at ginulo ang buhok ko.
"Oh siya, heto hipan mo na. Pero bago yan mag wish ka muna." Nakangiting ani ni Nay Salvi.
Nakangiting pinagsalikop ko ng mga kamay ko sakay pumikit.
"Sana maging masaya kayo kahit ano man ang mangyari." Nakangiting ani ko sabay ihip ng kandila.
"Dapat para sayo ang winish mo bat parang para samin naman ang winish mo. Ikaw talaga napakaselfless mo." Nakangiting sambit ni Callen sakin.
"Kasi masaya akong makilala kayong lahat. Kaya wala na akong mahihiling pa." Mapait akong napangiti sa mga ito habang pinipigilan ko ang pag-iyak.
"Oh siya kainin muna natin ang cake na to." Saad ni Nay Salvi saka inilapag ang cake sa study table ni Callen.
"Callen, Nay heto po." Ani ko sabay bigay ng pulseras ko.
"Bakit mo ibinibigay saamin ang pulseras mo nak." Takang wika ni Nay Salvi.
"Hindi lamang ito simpleng pulseras Nay. Ito ang puso ng karagatan ng Merlian. Maaari niyo nang maibalik ang kakayahan niyong makalangoy sa pamamagitan ng pagbabalik sa dati nitong kinalalagyan." Sambit ko dito nang bigla na lamang itong lumiwanag at naging isang malaking perlas. Bakas sa mukha nila ang gulat nang makita ang bagay na bigla na lamang lumitaw saaking palad. Ibinigay ko ito kay Nay Salvi na siyang mabilis na tinanggap nito.
BINABASA MO ANG
SEREIA || The Missing Tail
FantasyBOOK II || Missing Princesses Series She is the East of the Elements. The Water Element Goddess. She is the powerful among all Water creatures. For she is the Mermaid Princess. 🏆Highest Rank Achievement🏆 #2 in Tail