*Sereia POV*
Habang nakasunod ako kay Nami ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaibang klase ng lamig. Oo nga't nasa tubig kami at literal na malamig ngunit iba ang klase ng lamig ang aking nararamdaman ngayon.
Pansin kong papasok ng papasok pa kami lalo sa loob ng Mortem. Buong akala ko kanina ay nasa gitna na kami ng Mortem yun pala pinaka intrada palang pala namin yun kanina. Hindi ko akalaing sobrang lawak pala ng Mortem.
"Hurry Master! Kailangan na nating bilisan bago pa dumating ang bagyo." Saad ni Nami kung kaya't mas binilisan ko pa lalo ang paglangoy.
Bagyo? May bagyo sa loob ng Mortem? Ito ba ang panganib na sinsabi ni Inang?
Di kalayuan ay napansin ko na ang liwanag kaya mas pinag-ibayo ko ang aking paglangoy ngunit nagulat na lamang ako nang may malakas na pwersa ang humihila saakin pababa kung saan namumuo ang mas maitim na tubig na may kasama pang pagkidlat.
"NAMI!"
"Master!" Sigaw nito saka pinakapit ako sa galamay nito ngunit masyadong malakas ang pwersa ng humihila saakin.
Ayokong masaktan rin si Nami dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sakanya.
"Gagawa ako ng paraan para maiwasan ang pwersang ito Nami! Iligtas mo muna ang sarili mo!"
"No! I won't let my Master go! Nami won't let go. Nami will stay to her Master." Sambit nito. Bakit pati pagbanggit niya nun ay sobrang cute parin and at the same time sweet.
Dahil sa tigas ng ulo nito ay ginamitan ko ito ng kapangyarihan. Ipinasok ko siya sa Shell ng Kabibe saka ginamit ang huling lakas ko para maisipa ang shell papunta sa liwanag gamit ang buntot ko.
"I'll find you My Master! Nami will Find Master!" Huling sambit nito.
Napangiti na lamang ako knowing na nasa ligtas na kalagayan na si Nami.
Habang hinayaan ko na lamang ang sarili ko na anurin ng malakas na pwersang iyon at dalhin sa kung saan hanggang sa mandilim nalamang ang aking paningin.
*Someone's POV*
Naglalakad-lakad ako sa tabi ng dalampasigan nang mapansin ko ang isang shell.
I was waiting for someone but this shell appeared.
Kinuha ko ang malaking shell na iyon at dinala sa bahay.
Natagpuan ko na naman ang dalawa na nagpipillow fight.
Hay nako! Parang hindi na matatanda.
Hanggang kailan ba sila titigil? Halos araw-araw nalang silang nag-aaway di kaya naman ay nagbabangayan.
Nakakarindi man ngunit di ko mapipigilan ang tabas ng mga bunganga ng dalawa. Kapag sobrang naiinis na ako sa inggay nila ay pinapakain ko sakanila yung mga snowballs ko. Titigil nga sila ngunit di kalaunan ay magsisimula na naman ang mga ito kaya ang ending ako nalang ang mag aadjust. Ang saya noh!
"Kapag hindi pa kayo tumigil diyan, promise ihahampas ko sainyo ang malaking shell na ito." Inis saad ko sa dalawa na ikinatigil naman nila saka tumingin sa shell na dala ko.
"Follow me!" Sambit ko sa mga ito saka nauna nang magtungo sa dining area.
"Magluluto ba tayo ulit Iyah? Mukhang fresh pa ang seafood na yan!" Sambit ni Aisha.
BINABASA MO ANG
SEREIA || The Missing Tail
FantasyBOOK II || Missing Princesses Series She is the East of the Elements. The Water Element Goddess. She is the powerful among all Water creatures. For she is the Mermaid Princess. 🏆Highest Rank Achievement🏆 #2 in Tail