Chapter 7 - Beautiful Inside Out

141 7 0
                                    

*Sereia POV*

"Isa akong Serena." Seryosong saad ko sakanila.

Napatingin kami sa pwesto ni Nay Salvi ng marinig namin ang pagkabasag ng bagay na hawak nito kanina. Akmang lalapit na sana ako kay Nay Salvi upang tulungan ito sa nabasag ng biglang manghina ang tuhod ko at bigla nalang natumba.

"AHH!" Napadaing ako ng maramdamang nasugatan ang tuhod ko dahil sa bubog na nanggaling sa nabasag na plato.

"Sereia ayos ka lang?" Nag-aalalang saad ni Callen habang papalapit ito sakin.

Nabigla naman ako ng biglang may bumuhat saakin saka dinala ako sa upuan ko kanina.

"S-salamat!" Nahihiyang pasasalamat ko kay Callum. Tiningnan lang ako nito ng mariin saka tumingin sa sugat ko. Ilang sandali lamang ay bigla nalamang itong tumayo at umalis. Anyare dun?

"Nak, pakiulit nga ng sinabi mo?" Tila ngayon lamang natauhan si Nay Salvi saka ito nagmamadaling umupo saka humarap sakin.

"Isa po akong Serena nay." Napansin ko sa mukha nito ang hindi makapaniwalang ekspresyon. Bakit?

"Anak, totoo ba ang iyong binanggit?" Paniniguro ni Nay Salvi.

"Oo nga Sereia, totoo ba talaga ang iyong sinabi?" Segunda ni Callen. Bakit tila para silang gulat na gulat sa natuklasan?

"Oo, totoo ang aking mga nabanggit. Walang bahid ng kasinungalingan ang aking mga sinabi. Totoong serena ako, kami ng aking Ina-inahan. Bakit niyo po natanong?" Nagtatakang tanong ko sakanila.

"Kami ay minsan naring naging serena nak, ngunit kasabay ng pagkawala ng Perlas at ng Prinsesa ay siya ring pagkawala namin ng kakayahang maging isang Serena. Lahat ng nasasakupan ng Merlian ay nagkaroon ng mga paa, ang minsang nasa ilalim ng karagatan naming kaharian, ngayon ay masa ibabaw na ng kalupaan. Kaya nakapagtatakang may matira pang serena sa ilalim ng karagatan." Nagtatakang pahayag ni Nay Salvi.

Kaya pala wala akong nakikita ni isang kalahi manlang namin yun pala ay nawalan sila ng kakayahang makalangoy gamit ang buntot nila.

Ngunit bakit kami ng aking Inang ay nanatili parin sa pagiging Serena?

"Nagdurugo parin ng iyong sugat, halika't aking gagamutin iyan." Saad ni Nay Salvi.

Kanyang itinutok kanyang kamay saaking sugat. Ilang sandali pa ay napansin ko ang liwanag na lumabas dito ngunit wala akong naramdamang ginhawa bagkus ay mas lalo lamang humapdi ang aking sugat.

"Bakit ganon? Hanggang ngayon ay hindi parin gumagana ang Healing Magic ko sayo Sereia. Noong dinala ka dito ay ganito rin ang epekto ng healing magic ko sayo. Mas lumalala pa kaya siguro inabot ka ng isang buwan bago magising. Tila parang pinipigilan nito ang aming mga kapangyarihan katulad na lamang ng ginawa ni Callen kanina." Takang pahayag ni Nay Salvi.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon