Chapter 14 - President

74 6 0
                                    

*Sereia POV*

Matapos naming kumain ay gumayak na kami para sa magbihis.

Napansin ko pa ang marahang pag-alalay ni Callum sa Prinsesa kaya napa-iwas na lamang ako ng tingin.

"Sereia, hihintayin kita sa labas ng kwarto mo ha!" Nakangiting saad ni Callen sakin.

"A-ah, Oo sige." Sagot ko dito habang nakatingin sa di kalayuan kung saan nakangiting nagpapa-alam sa isa't-isa ang Prinsesa at si Callum. Bago pa man makaasok ang Prinsesa sa silid nito ay hinalikan muna siya ni Callum sa noo. Tila parang may tumusok sa puso ko sa nakita.

Napansin ko na lamang na may kamay na humarang sa tanawing tinatanaw ko kaya napaangat ako ng tingin kay Callen.

"Wag mong tiisin ang sakit Sereia. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo. Narito lamang ako, handang damayan ka." Nakangiting saad nito. Saka ako tinulak papasok sa kwarto ko hanggang sa mapansin ko na lamang ang bisig na nakayakap saakin.

Hindi ko na mapigilang mapaiyak sa sakit na nararamdaman ko.

"Bakit? Bakit ako nasasaktan Callen? Gusto ko lang naman siya diba? Ngunit bakit sobra-sobra ang sakit?"

"Kasi Mahal mo na siya." Sagot nito habang hinahagod ang likod ko.

"Pinangako ko noon sa sarili ko na iwawaksi ko na ang nararamdaman kong ito sakanya kasi alam kong may nakatadhana na sakanya ngunit bakit, bakit pilit ko paring nararamdaman ang bagay na yun sakanya. Ang sakit lang kasi alam kong nakatadhana siya sa iba at kahit kailan ay hinding-hindi magiging ako iyon. Ang sakit kasi sa nakita ko kanina naisip kong may bagay nga sila. Ano naman ang panama ko dun. Ang ganda-ganda ng prinsesa habang ako heto, nakakulong sa isang sumpang hindi ko alam kung malulunasan pa ba o hindi na. Ang panget---" "Shh, wag mong sabihin yan." Pampuputol nito sa sasabihin ko. Hinawakan niya ang mukha ko saka pinunasan ang luha ko.

"Alam mo kung sino ang pinakamagandang dilag na nakita ko sa tanang buhay ko? Ikaw Sereia, ikaw yun. Walang kapantay ang kagandahang taglay mo, hindi lamang sa panlabas na anyo maging sa loob mo. Nakita ko ang kagandahan at kabutihan ng iyong puso. Ikaw ang depenisyon ng perpektong prinsesa na hahangarin ng lahat." Nakangiting pahayag nito.

"Wag ka ngan manbola. Kitang nag da-drama ako dito eh." Natatawang saad ko dito.

"Hindi ako nagbibiro Sereia, diba nga nasilip ko noon ang iyong magiging hinaharap? Nakita ko ang tunay mong anyo doon. Binalaan pa kita noon na maraming pagsubok ang iyong kakaharapin at pagdadaanan." Seryosong saad nito na siyang ikinatingin ko dito.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon