Chapter 8 - Merlian Academy

114 7 0
                                    

(A/N: Picture above was the Merlian Academy. Again this picture is not mine, credits to the rightful owner.)

*Sereia POV*

"Mag-iingat kayo doon ha! lalong lalo ka na Sereia, hindi sa hinuhusgahan kita nak ngunit nag-aalala lamang akong baka marami ang mang-bully sayo dun." Nag-aalalang tugon saamin ni Nay Salvi.

"Nay wag kang mag-alala, andito naman kami ni Callum para protektahan si Sereia." Nakangiting ani ni Callen dito sabay umakbay saakin. Napaangat ang tingin dito sabay binigyan ng matamis na ngiti napabaling naman ang tingin ako kay Callum na binigyan lamang ako ng tipid na ngiti sabay binalingan ng masamang tingin ang kakambal nito.

Hay nako, lagi nalang siyang ganyan sa kapatid niya at ito namang kambal niya ay mas inaasar pa ito lalo.  Minsan di ko din maintindihan ang magkambal na toh sabi naman ni Nay Salvi ganyan lang daw magpakita ng pagmamahal ang dalawa. Ay, ewan ko sakanila.

"Mauna na po kami Nay! Wag po kayong mag-alala iingatan ko po ang sarili ko doon at dadalaw din po ako dito kapag nagbigay ng pahintulot ang paaralan na bumisita kami sa mga kakilala o kaanak namin." Saad ko sabay lumapit kay Nay Salvi at niyakap ito.

"Kay buti mo talagang bata. Oh siya, hihintayin ko ang pagbabalik ninyo. Mamimiss kita Nak! Hindi ko alam ngunit sobrang gaan ng loob ko sayo. Basta pakakatandaan mo nak na tanggap kita maging ano at sino ka pa man." Naiiyak na sambit ni Nay Salvi habang nakahawak sa magkabila kong pisngi. Naramdaman ko nalang na niyakap ako muli nito.

"Group hug?" Sambit ko habang nakatingin sa kambal. Nagtinginan muna sila bago umiwas ng tingin sa isa't-isa saka lumapit samin ni Nay Salvi at niyakap kami.

Nakakagaan sa pakiramdam na may taong tanggap ka sa kung ano at sino ka man kahit hindi ka naman nila lubusang kilala. Napatunayan kong hindi naman lahat ng tao ay masama ang hangarin. Mayrong iba na nakakagawa ng masama dahil napilitan lamang sila o di naman kaya'y nabahiran lamang ng puot at pagkamuhi ang kanila ng mga puso sa isang pangyayari na hindi nila matanggap.

Lahat ng tao ay may mabuting puso. Nababahiran lamang ito ng kasamaan dahil sa idinidikta ng ating utak at umaabot hanggang sa puso. Natatakot tayo na tumanggap ng pagkakamali o pagkatalo kaya dito mas lalong umuusbong ang puot at galit ng isang tao.

"Mauna na kami Nay! Mag-iingat ka dito ha!" Paalala ko dito.

"Oo nak! Callen, Callum ingatan niyo si Sereia ha! Hangga't maaari ay wag niyong hayaang masaktan siya doon." Paalala ni Nanay sa Kambal.

"We will Nay!"

"I will." sabay na sagot ng dalawa.

"Good day, your highnesses. The carriage is ready to leave." Saad ng isang lalaking maganda ang ayos, tinawag ito nila Callen na Butler Lee. Namamangha naman akong napatingin sa karwahe nito. Napakaganda nito at napakakinang nito dahil sa gawa ito sa ginto.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon