*Sereia POV*
Nang imulat ko ang aking mata ay isang asul na kalangitan ang bumungad saakin. Napakunot-noo pa ako nang may makitang lumilipad na mga ibon. Bumangon ako at napatingin sa paligid na kung saan natagpuan kong napapalibutan iyon ng mga nag-gagandahang bulaklak. Namangha naman ako saaking nakita napansin ko pa ang kinahihigaan ko kanina.
Anong meron? Pinaglalamayan na ba ako? Ah Oo nga pala, patay na ako.
Kung ganun ito na ba ang kabilang buhay? Yung Heaven na sinasabi nila na kung saad wala kang mararamdaman na kung ano kundi ang pagiging kontento sa sarili at kapayapaan lamang? Napakaganda naman dito. Napangiti ako saka lumapit sa isang bulaklak na namumukadkad.
"I see, gising ka na pala." Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses at doon nakita ko ang babaeng lagi kong napapanaginipan dati.
"I-Ikaw yung--" "Ako nga." Nakangiti ani nito.
"Kung ganun patay ka narin katulad ko? Ikaw yung nakita ko saaking panaginip hindi ba? Isinakripisyo mo ang iyong sarili para sa kaligtasan ng iyong paaralan at ng mga taong malalapit sayo." Mahabang pahayag ko dito. Nakita ko naman ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata nito kahit nakangiti ito.
"Ako nga iyon. Ngunit sa nauna mong tanong, hindi. Hindi pa tayo patay, Prinsesa Sereia." Seryosong ani nito.
"Paano nangyari yun, eh kitang-kita ko ang pagtarak ng dalawang elementong palaso sa puso ko."
"You didn't die Princess. Look." Seryosong ani nito hanggang sa may ipinakita itong hologram sa harapan namin. Doon nakita ko ang aking katawan na nakahiga sa isang higaan at binabalutan ng aking kapangyarihan.
Ako ba yan? Kung ganun nagbalik na ang aking wangis? Alam na nila na ako ang prinsesa?
Lubos-lubos ang kasiyahang nadarama ng aking puso ngayon.
"Hindi ka manlang ba galit sakanila?" Napawi ang ngiti ko sa sinabi nito.
"Yun naman talaga ang dapat nating gawin hindi ba?" Pilit na ngiting ani ko dito ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito.
"They've hurt you, tortured you and kill you. Was that an enough reason for you to be mad at them?" Nanlilisok ang matang ani nito.
"Kahit naman magalit ako,wala parin namang magandang patutunguhan iyon hindi ba? Hahantong parin tayo sa pagpapatawad." Malumanay na sagot ko dito saka napatingin sa Hologram na kung saan nakikita ko ang aking sariling iniiyakan ng mga nasasakupan ko.
"How can you be so kind to them, kahit na pinahirapan ka na nila." Mahinang ani nito.
"Kasi mahal ko sila. Mahal ko ang kaharian ko. Sapat na ba iyong rason para patawarin ko sila? Ayokong magdusa sila nang dahil lamang sa galit ako sa ginawa nila, hindi ako ganung klase ng tao, nasasaktan ako kapag naiisip ko iyon. Kaya imbis na galit ang ibato ko bakit hindi nalang pagmamahal ko sakanila hindi ba? Lahat naman ng ginawa nilang iyon ay may rason? Kaya sapat na iyon para patawarin ko sila." Mahabang pahayag ko dito. Napansin ko naman ang paglambot ng ekspresyon nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/252625495-288-k964405.jpg)
BINABASA MO ANG
SEREIA || The Missing Tail
FantasiaBOOK II || Missing Princesses Series She is the East of the Elements. The Water Element Goddess. She is the powerful among all Water creatures. For she is the Mermaid Princess. 🏆Highest Rank Achievement🏆 #2 in Tail