Chapter 28 - Real Traitor

96 6 0
                                    

*Sereia POV*

Napakunot-noo ako nang maramdaman ang pag-gaan ng pakiramdam ko.

"Sereia, hanggang ilang buwan ka pa ba uupo diyan? Grabe ang pag regenerate mo ng powers mo ah. Mas matagal ka pang mag regenerate kesa sakin."  Napakunot-noo ako ng marinig ang boses ni Zhaira.

Ano bang problema ng babaeng to?Kauupo ko palang kaya. Makareklamo nito.

Hindi ko muna ito pinagtuonan ng pansin saka mas pinag-ibayo ang ginagawa.

Naramdaman kong may humawak ng kamay ko na siyang ikinagulat ko, pinisil ko ang kamay na nakahawak sakin para makasigurado. Napuno ng tuwa ang puso ko sa natuklasan. Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa kamay ng kung sino. Nakabalik na ba ako sa katawan ko?

~booooggggssshhhhh~

Narinig kong parang may sumabog. Saan galing yun?

"Don't worry Love, I'll protect you." Rinig kong ani ng isang tinig.

"Sereia gumising ka na. Tapos na ang pag-papagaling mo." Rinig ko namang pagtawag saakin ng isa pang tinig.

"I'll be back my princess. I promise." Malambing ng naunang tinig. Sino ka?Wala sa sariling hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nito.

"Sereia ano ba, kailangan na nating maghanda." Tila nagagalit na ang tinig ng pangalawang boses na tumawag saakin kanina.

"Thank God, you came back my princess." Ani na naman ng naunang tinig.

"Sereia! Pagbilang ko ng tatlo wag mo kong sisihin kung masasampal kita ha. Isa!" Ani ng pangalawang tinig. Ayaw kong masampal, masakit yun eh. Napahigpit ang hawak ko ulit sa taong may hawak ng kamay ko.

"Don't worry My Life. Babalikan kita kasi mamahalin pa kita. " Malambing na ani ulit ng naunang tinig. Kaya napakunot-noo ako sa sinabi nito. Hala siya, sorry siya kasi nakalaan na ang puso ko sa isang tao. Hmp.

"Dalawa!"  Saad na naman ng pangalawang tinig.

Naramdaman ko naman ang pagkalas ng kamay nito hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presensya nito.

Nakarinig pa ako ng sunod-sunod na pagsabog kaya mas lalo ulit akong napakunot-noo. Ano bang nangyayari?

~PAAAAKKKK~

Bigla na lamang akong napahiga nang maramdaman ang hapdi sa pisngi ko.

"Aray!" Daing ko saka sinamaan ng tingin si Zhaira na ngayon ay masama ring nakatingin saakin. Napalunok naman ako dito. Nakakatakot naman to.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon