2

345 3 0
                                    

"Czarina!"

"Po?"

"Bumangon ka na dyan, mag-aayos ka pa ng mga gamit mo"

Nagmulat ako ng mata at dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga.

Napahaba pala ang tulog ko, nakakapagod naman kasing mag-impake ng mga gamit buong gabi.

"Ma, nakita mo ba yung favorite kong jacket? Yung blue na lagi kong sinusuot"

Bumukas ang pinto at tumambad sakin ang nakasimangot kong nanay.

Akala mo pinagbagsakan na naman ito ng langit.

"Nasa sampayan pa, ayusin mo na yang higaan mo at bumaba ka na" sabi nito

"Saglit lang, tinatamad pa ako"

Mabilis akong hinampas nito sa braso at ginawaran ng isang malutong na mura.

"Gaga nakakahiya sa Tito Victor mo kung pag-iintayin natin, umayos ka Czarina"

Napatawa ako at sinunod na lang ito.

Kung di lang talaga kita nanay baka tinulak na kita sa hagdanan.

Inayos ko na ang higaan ko at isa-isang ibinaba ang mga box na pinaglagyan ng mga gamit ko.

Isang linggo na rin mula ng matanggap ko ang email mula sa SAC (Smith Aquaculture Company)

Hindi pa rin ako makapaniwalang tanggap na ako sa trabaho at magsisimula na ang training ko bukas.

"Okay na lahat" sabi ko

"Halika na, baka matraffic tayo sa Cabuyao" sabi ni mama

"Ma ang oa mo talaga, magaling yan mag drive si daddy"

"Aba Czarina mahiya ka nga!"

"Rina yung puso mo, mamimiss mo rin kakulitan niyang anak mo" saad naman ni daddy

"Pinagtutulungan niyo na naman ako" singhal ng nanay ko

Tumawa kami pareho ni daddy. Pumasok na ako sa kotse at pasimpleng tiningnan ang bahay namin.

Mamimiss kita, natatakot ako Papa. Sana andito ka.

"Alam ko yang tingin mo anak, andito pa ako oh" biglang sabi ni daddy

Agad akong napatingin sa kanya at ngumiti.

"Pasensya na daddy, naalala ko lang si papa"

"Naku siguradong si pareng Czar ay binabantayan ka sa taas, wag ka mag alala anak lagi siyang andyan" sabi nito

Tumingin ako sa labas ng maramdamang umaandar na ang kotse. Limang taon na si daddy at mama na magkasama, nagkakilala sila tatlong taon matapos mamatay si papa.

Pero hindi agad sila nagsama, dalawang taon din bago maging sila at mapagpasyahang tumira kasama namin. 10 years old ako ng iwan kami ni papa dahil sa cancer. Sampung taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako sanay na hindi siya andito.

Miss na miss na kita papa.

Maswerte ako dahil napakabait sakin ni daddy. Kahit hindi kadugo, tinuring niya akong tunay na anak. Lahat ng gusto ko binibigay niya, lahat ng events na kailangan siya ay pupuntahan niya para sa akin. Ganun niya ako kamahal, ganun niya kami kamahal ni mama.

"Anak sigurado ka na ba talaga dito?" biglang tanong ni mama

"Hala ka ma, bakit mo naman naitanong yan?" tanong ko pabalik

"Eh kasi...hindi ako sanay na mapapalayo ka samin. Mag isa ka pa sa unit mo, walang mag-aalaga sayo dun"

"Ma, malaki na ako. Graduate na ako oh, kailangan ko ring magtrabaho. Napag-usapan na natin to diba?"

Catch Me If You CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon