We just arrived at SM Lucena. First stop namin to bago dumiretso ng Pagbilao.
"Where do you want to eat ba? It's almost lunch time" bigla niyang tanong
"Uhh..."
To be honest hindi ko alam, medyo busog pa ako sa kinain naming burger kanina sa byahe.
"Czari I hate waiting, let's just eat in Jabee"
"N-No, mag Mang Inasal tayo!"
Napahinto ito sa paglalakad at tinaasan ako ng kilay.
"What? No way, I don't like eating there"
"Bakit naman? Masarap naman pagkain nila tyaka unli rice pa"
Kaya nga gusto ko dun kasi alam kong mahilig siyang mag rice. Ang lakas ng appetite pero ang payat-payat naman. San kaya napupunta lahat ng kinain niya?
"It's too crowded Czari"
"Kahit naman sa Jabee crowded din Irene, dali na mag Mang Inasal na lang tayo" pilit ko rito
Natahimik ito saglit bago ngumiti ng nakakaloko.
"Kiss me first" diretso niyang sabi
"W-What?"
Nanlaki ang mata ko at napaurong bigla. Natawa ito at hinigit ang isa kong kamay.
"Czari honey...just give me one kiss and you'll get what you want" bulong niya
Halos magkadikit na ang katawan naming dalawa.
"Fine sa Jabee na tayo" malamig kong sabi
Tsk akala niya ha, hindi siya makakaisa sakin. Bahala ka dyan.
Mukha namang nagulat ito, nauna na akong maglakad papasok sa mall. For sure nasa first floor ang Jabee. Wala lang pansin ko lang sa mga malls dito sa Pinas.
"You're dead later"
Lumingon ako sa likod at nakita siyang nakasimangot.
"You should be happy sa Jabee tayo kakain" sabi ko
I know it's a sarcasm, naiinis lang ako na kinikilig sa mga pinag-gagagawa niya.
Pagkarating namin medyo marami ang tao. Buti na lang nakahanap pa kami ng available table. Ako na sana ang pipila pero pinigilan ako ni Irene.
"Stay here, I will order us food" sabi nito
Pero siya na nag drive kanina, need niya rin magpahinga kahit saglit lang.
Aangal pa sana ako kaso nakalayo na pala ito sakin. Ang tigas talaga ng ulo. Bakit ba hindi na ako nasanay?
Makalipas ang ilang minuto bumalik itong may dala-dalang tray. Inilapag niya na sa table iyon at tutulungan ko na sana siya sa pag-aayos pero hinampas niya lamang ng mahina ang kamay ko.
"Stop moving and just let me take care of you" sabi nito
Parang hindi man lang napagod sa pagmamaneho kanina. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Kahit mataray to sobrang sweet naman.
"Thank you" bigla kong sabi
"Always welcome honey, eat up na"
-----------------------------------------
It's so big and quiet. I can smell the fresh cool air.
"How is it?" tanong niya
"Beautiful and peaceful Irene" tanging nasabi ko
Nakarating na kami sa farm. Mag aalas-dos na ng hapon at agad kaming sinalubong ng mga staff nila.
Dumiretso kami sa lobby ng main building nila. Kukunin pala dito ang susi para sa guest house.