AVERY POV
"A-anong s-sabi mo d-dad? Gulat na tanong ko dito.
"Malapit na ang wedding mo. Sambit ni Dad saken.
"W-wedding? Takang tanong ko.
"Yes. Maiksing sagot naman ni Dad saken.
"D-dad anong wedding po? N-nag bibiro po ba kayo? Pekeng tawang tanong ko dito.
"Mukha ba akong nag bibiro son? Seryosong sambit neto saken.
Nandito ako sa office ni Dad dahil pinatawag niya ako dito.
"D-dad, anong wedding po ba. Takang tanong ko dito.
Anong wedding na pinagsasasabi ni Dad?
"Arranged marriage. Maiksing sagot neto at may kinuhang kung ano sa drawer niya.
"P-pero d-dad hindi pa ako handa. Sambit ko dito.
Binigay niya saken ang papel at nakalagay dito ang taong papakasalan ko.
"S-si E-ethan? Bulong ko sa sarili ko.
"Yes, at mukhang kilala mo naman yung taong yan kaya hindi na kame mahihirapan. Salaysay neto saken.
"Oo dad kilala ko siya pero bakit? Malungkot na tanong ko dito.
Kilala ko si Ethan ka-batch ko siya ng college at kilala to sa campus namen dahil sa kapogiang taglay ng taong to.
"Lulubog na ang company natin son kaya kailangan mong gawin eto. Sagot niya saken.
"P-pero d-dad. Sambit ko dito.
"Tama na Avery sige na lumabas ka na at marami pa akong gagawi. Putol neto saken.
Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga na lang at lumabas ng office ni Dad.
"Ethan Ford. Bulong ko sa pangalan niya.
Matagal ko ng gusto si Ethan pero simula ng makapag tapos ako ng college ay wala na akong balita sa kanya. Tsaka hindi naman ako kilala ng taong to dati kahit na magka-batch kame neto at kunteto na akong minamahal ko siya ng palihim.
~THREE MONTHS LATER~
"Congratulations sainyo. Masayang sambit samen ng parents ni Ethan.
"T-thank you po tita. Nahihiyang sagot ko dito.
"Mom na lang, tutal kasal ka na rin naman sa anak ko. Ngiting sambit neto saken.
"S-sige po m-mom. Nauutal na sambit ko dito.
Nandito kame sa isang mamahaling hotel at nag ce-celebrate ng wedding party.
"Congrats Avery. Masayang bati saken ni Alexander ang kapatid ni Ethan.
Mas matanda si Ethan kay Alexander ng isang taon at ka edad ko naman si Alexander.
"Thank you Alexander. Ngiting pasasalamat ko dito.
"Take care of Avery kuya. Sambit ni Alexander sa nananahimik na si Ethan.
Tango lamang ang sinagot ni Ethan at umalis na din si Alexander. Nagulat ako ng hilain ako ni Ethan.
"A-aray. Sambit ko dito dahil medyo malakas ang pagkakahila niya.
Hindi eto umimik at dinala ako sa isang lugar kung saan bihira lang puntahan ng mga tao at binitawan ako neto ng malakas.
"Plano mo ba to? Galit na tanong saken neto.
"H-huh? Takang tanong ko naman dito.
"Plano mo ba lahat ng to?! Muling galit na tanong saken neto.
"H-hindi. Utal na sagot ko.
"Hindi? Pero tuwang tuwa ka ng ikasal tayo? Naka ngising sambit neto saken.
Hindi ako maka imik dahil sa ginagawa niya.
"Anong sa tingin mo magugustuhan kita? Sambit neto ng may galit sa mata.
"Alam kong may gusto ka saken noon pa lang tama ba Avery a.k.a the dancing swan. Sambit neto saken.
Nanlaki ang mata ko ng sambitin niya eto sa mga oras na iyon at mas lalo akong nagulat kung pano niyang nalaman na ako ang taong yun eh naka mask ako nun.
"P-pano mo nalaman? Utal na tanong ko dito.
"Hahaha eh t*nga t*nga ka mag tago ng identity mo eh. Tumatawang sambit neto saken.
Tila hindi ako naka imik sa mga oras na iyon at ang tanging iniisip ko lang ay pano niya nalaman na ako ang sumayaw sa gabing yun.
"Tandaan mo to Avery kahit kasal na tayo ngayon ay hinding hindi kita ituturing na asawa! Tandaan mo yan. Sambit neto sa mukha ko.
Naglakad eto at binangga ang balikat ko.
"O-oo ako nga yung sumayaw ng gabing yun. Sambit ko dito at naramdaman kong huminto eto.
"A-ano naman kung ako yung sumayaw ng gabing yun may problema ba? Ani ko dito.
"Meron masyado kang pabida ng gabing yun. Ani neto saken.
Humarap ako sa kanya at naka talikod pa rin eto saken.
"P-pabida? Ako pa ang pabida? Hindi ko kasalanan kung kaya kong sayawin ang sayaw na yun! Galit na sambit ko dito.
"At sa sinasabi mong pinalano ko ang kasal na eto ay nagkakamali ka dahil wala akong alam dito. Sambit ko dito.
Nagulat ako ng humarap saken eto at hinawakan ang kwelyo ng damit ko.
"Wag na wag kang mag sisinungaling sa harap ko, kaya ba ginawa mo eto kasi hindi mo ako makuha? Galit na sambit neto saken.
"Tandaan mo to kahit ipalit mo pa sa demonyo ang buhay at kaluluwa mo hinding hindi kita mamahalin! Sambit neto saken at malakas na binitawan ang kwelyo ko.
Umalis eto sa harapan ko at ako ay naiwang nakatulala lang habang unti unting namumuo ang luha sa mata ko.
"H-hindi ko naman ginusto to, kung hindi lang dahil kay dad hindi ko eto gagawin. Sambit ko at tuluyan ng pumatak ang luha ko.
