AVERY POV
It's been six years simula mangyari ang pangyayaring yun at ngayon ay nandito ako sa sementeryo at binibisita ang puntod niya.
"Hi. Bati ko dito.
Umupo ako sa gilid ng puntod niya at nilinisan ko naman ang mga dahon na tumapon sa puntod neto.
"Kamusta ka na diyan? Tanong ko sa puntod niya.
"Sana maayos ka diyan, maayos na ako at heto ako ngayon masaya na. Naiiyak kong sambit.
"Nakakamiss ka din pala. Natatawang sambit ko.
Patuloy ko lang kinakausap ang puntod na sa harap ko at hinahaplos ko lang eto.
"Alam mo ba simula ng mawala ka ang daming nag bago. Kausap ko dito.
"Lalo na sila mom and dad sobrang nalungkot ng mawala ka. Kwento ko dito.
"Salamat dahil kahit papano nakasama kita. Patuloy kong kausap dito.
"Siguro naman ayos ka diyan diba? Muling tanong ko dito.
Hindi ko alam bakit umiiyak pa rin ako tuwing binibisita ko ang puntod niya, akala ko kasi ayos na ako.
"Ang daming nangyari noh. Sambit ko dito.
"Anim na taon ng lumipas simula ng iwanan mo ako at kame. Naiiyak kong sambit.
"Ikamusta mo naman ako kay mama diyan. Tumutulo na ang luha ko sa mga oras na yun.
"Akala ko nung una ikaw na talaga ang makakasama ko hanggang sa pag tanda. Sambit ko dito.
Nagiging emotional ako simula ng mangyari ang bagay na yun.
"Pero hindi pala. Sambit ko.
"Kahit na ganon nagpapasalamat pa rin ako kasi nakilala kita, kahit na ang pait ng nangyari satin ay masaya pa rin ako. Mahabang sambit ko dito at hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang luhang tuloy tuloy na pumapatak sa mga mata ko.
Napabuntong hininga na lang ako at pinunasan ko ang luha sa mata ko.
"Daddyyy. Lumingon ako ng tawagin ako ng isang bata at tumakbo eto papunta saken.
May anak na ako at dalawa sila, nag pa surrogate ako dahil hindi ko naman kayang mag silang ng bata.
"Hi baby. Ngitih sambit ko.
"Daddy are you crying? malungkot na tanong ng anak ko.
"No baby masaya lang si daddy kasi nabisita din natin siya. Ngiting sagot ko dito.
"Hi ka dali. Ani ko dito.
"Hello po. Masayang sambit ng anak ko at hinawakan ang puntod sa harap namen.
"Siya nga pala yung anak ko. Panimula ko dito.
Kinuha ko ang anak ko at pina-upo ko eto sa lap ko.
"Siya si Theo at yung isa naman si Alliyah. Kausap ko sa puntod na nasa harap ko.
"Daddy, naririnig po ba niya tayo? Inosenteng tanong ng anak ko saken.
"Of course baby, look at the sky. Ani ko sa kanya.
Lumingon naman eto sa langit.
"Nandiyan siya nakikinig at naka tingin satin, paniguradong naka ngiti na siya sa mga oras na to. Paliwanag ko sa kanya.
"Eh daddy I can't see anything, but only clouds lang eh. Inosenteng sambit niya.
Natawa naman ako ng bahagya at hinalikan ko eto sa pisngi.
"Baby, hindi talaga natin siya makikita kasi he's the angel na eh. Sambit ko dito.
"Wow I want to be an angel too. Masayang sambit niya.
Natawa ako at lumingon ulet ako sa puntod na nasa harap namen.
"Baby I'll tell you story. Sambit ko.
"Ok daddy. Ngiting sambit niya at nakikinig lang siya.
"Etong lalaking to ang nagbigay sayo ng pangalan. Ani niya.
"But how daddy, he's already dead na po. Tanong ng anak ko.
Natawa ako ng mahina at yinakap siya.
"Before he died may huli siyang hiniling saken at tinupad ko yun. Ngiting kwento ko dito.
"Sabi niya pag ako nagka baby ay Theo ang ipangalan ko at ikaw yun. Paliwanag ko sa kanya.
"Ah I get it now daddy. Ngiting sambit niya saken.
Ngumiti ako sa anak ko at tumingin kame ng sabay sa langit.
"Tell him na ikaw na si Theo baby. Utos ko.
"Ok po. Ngiting sambit naman neto saken.
"Hi po, I'm Theo po and I'm five years old. I'm sorry if we never meet but my daddy said you are an angel now. Inosenteng sambit ng anak ko habang naka tingin sa langit.
Napangiti naman ako at yinakap ang anak ko.
"Daddy. Tawag neto saken.
"Hmm? Tanong ko dito.
"I love you. Malambing na sambit ng anak ko saken.
"I love you too baby. Sagot ko naman dito.
Yinakap ko eto ng mahigpit at tinignan ko muli ang puntod na nasa harap namen.
"Mauna na kame ha. Paalam ko dito.
"Bibisita na lang ulet kame sayo, mag iingat ka diyan. Sambit ko dito.
Tumayo na ako at pinagpagan ko ang pants ko.
"Mag paalam kana baby. Sambit ko dito.
"Ba-bye po. Paalam ng anak ko dito.