CHAPTER 14

449 22 0
                                        

AVERY POV

"Ang weird nga eh alam mo ba kung bakit? Habang sumasayaw ka ikaw lang ang nakikita ko at wala ng iba, simula nun hindi kana mawala sa isip ko at lalo na ang napakaganda mong ngiti at ang mata mo na kumikinang tuwing tinatamaan ng liwanag galing sa buwan. Rinig kong kwento ni Alexander.

Siya pala yung taong sinayaw ko ng gabing yun.

"I-ikaw y-yung k-kasayaw ko ng gabing yun? Hirap na tanong ko.

Nagising ako dahil parang may nag kwekwento ng isang pangyayaring nag bigay kuryente sa katawan ko.

"A-avery? Naluluhang tawag saken ni Alexander.

Binigyan ko eto ng isang matamis na ngiti.

"H-hello. Hirap na bati ko dito.

Nagulat ako ng bigla etong lumapit lalo saken at yinakap ako.

"A-avery. Tawag niya saken at naririnig ko ang hikbi niya habang nakayakap saken.

Hindi ko alam pero masaya ako sa mga oras na yun at kusa ko na lang siyang yinakap pabalik.

"A-avery. Umiiyak ulet niyang tawag.

Bumitaw siya sa yakap niya at tinignan ako sa mukha habang tumutulo pa rin ang luha niya.

"W-wag ka na ngang umiyak, para kang bata. Natatawang sambit ko dito.

"S-sorry, masaya lang ako dahil gising ka na. Umiiyak niyang sambit at sabay punas sa mata neto.

"Salamat Alexander. Ngiting pagpapasalamat ko dito.

"B-basta para sayo. Humihikbi niyang sagot.

"Wag ka ng umiyak kasi. Sambit ko dito.

"H-hindi ko mapigilan eh, alam mo bang takot na takot ako akala ko mawawala ka na, akala ko hindi na kita makikita. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sayo, dahil sa hindi kita naili. Pinutol ko ang sinasabi niya gamit ang labi ko.

Hinalikan ko siya sa labi at kita kong nanlaki ang mga mata niya.

"Ano kalmada ka ba ba? Ngiting tanong ko dito.

"A-avery. Utal na tawag niya saken habang naka tingin saken na nanlalaki ang mata.

"HAHAHA ang cute mo. Tumatawa kong sambit dito.

"I-isa pa nga. Sambit neto.

Hinampas ko naman siya sa braso na siyang kinatawa niya.

"May gusto ka ba? Tanong neto saken.

"Oo, nauuhaw ako. Sagot ko dito.

"S-sandali kuha lang ako tubig. Nauutal at natatarantang sagot neto saken.

"Dahan dahan baka madapa ka. Natatawang sambit ko dito.

"S-sorry. Sagot naman niya at kinamot ang ulo.

Kinuhaan niya ako ng tubig at pinainom saken.

"May masakit paba sayo? Tanong neto saken.

"W-wala naman na. Totoong sagot ko dito.

"Alam mo bang isang linggo mahigit ka ng tulog? Sambit neto saken.

Nagulat naman ako dahil akala ko sandali lang ako nahimatay dahil sariwa pa saken ang ginawa ni Ethan.

"I-isang linggo? Takang tanong ko dito.

"Oo, na comatose ka at ang sabi ng doctor 50% chance na magising ka pa dahil sa nangyari sa ulo mo. Paliwanag neto saken.

Naalala ko na naman pano ako bugbugin ni Ethan at pano ako p*tayin ni Ethan.

"A-avery, bakit ka umiiyak may masakit ba? Tawagin ko na ba ang doctor? Tarantang tanong saken ni Alexander.

Tinignan ko naman eto at nginitian.

"W-wala n-naalala ko lang ang ginawa saken ni Ethan. Ngiting sambit ko dito at sabay punas ng luha.

Nakita ko namang nanahimik eto at parang may malalim na iniisip.

"Ok na ako Alexander, wag ka ng mag alala pa. Ngiting sambit ko dito at hinawakan ang kamay niya.

Ngumiti naman eto saken at binigyan ng halik ang kamay ko na siyang kinatibok ng puso ko.

"Tawagin ko lang yung doctor. Ngiting sambit neto saken.

"Sige, gusto ko ng caramel cake Alexander. Sambit ko dito.

"Sige ano pang gusto mo? Ngiting tanong neto saken.

"Yun lang. Sambit ko dito.

"Sige, pero tanungin ko muna yung doctor kung pwede ka ng kumain nun. Sambit neto saken.

Tumango lang ako at ngumiti, ngumiti lang din siya at lumabas na para tawagin ang doctor.

"Ethan. Bulong ko sa pangalan niya.

"Kamusta ka na kaya? Bulong kong tanong sa hangin.

Aminin ko man o hindi pero unti unti na akong natutong mahalin ang sarili ko at siguro tama na ang huling beses na pag buhatan ako ni Ethan at parang m*m*tay na ako sa pangyayaring yun.

"Good afternoon, Avery. Nagulat ako ng mag salita ang doctor sa harap ko.

Hindi ko namalayan na dumating na pala ang doctor dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko.

"G-good afternoon po, pasensya na hindi ko po kayo napansin. Nahihiyang sagot ko dito.

"It's ok. Ngiting sambit niya.

"Check lang kita ha. Sambit niya saken at lumapit eto.

"Inhale. Utos niya.

"Exhale. Sambit ulet neto.

Chinecheck niya ang likod ko at chineck din niya ang mata at marami siyang tinanong saken at lahat ng yun ay nasagot ko naman.

"Avery. Tawag ni Alexander at may dalang isang box ng cake.

"Good afternoon po doc. Bati ni Alexander sa doctor.

"Good afternoon Mr. Ford. Pabalik na bati ng doctor.

"Kamusta po lagay ni Avery? Muling tanong ni Alexander at nilapag ang cake sa gilid ng table.

"Mukhang ayos naman siya at gumagaling na din ang sugat niya, pwede na siya ma discharge once na lumabas ang CT scan niya mas magandang sigurado na tayo baka may hidden injuries pa siya.  Mahabang salaysay ng doctor.

"Salamat po doc. Pagpapasalamat ni Alexander.

"You're welcome Mr. Ford. Sagot naman ng doctor.

"Anyway doc, pwede po bang kumain si Avery ng caramel cake? Tanong ni Alexander sa doctor.

"Yes, pero wag sosobra lalo na matagal siyang nakatulog baka mabigla ang tiyan niya. Sagot naman ng doctor.

"Salamat po. Pagpapasalamat ni Alexander sa doctor.

Ngumiti lang ang doctor kay Alexander at tumingin naman eto saken.

"Magpagaling ka Avery. Ngiting sambit neto saken.

"Thank you po doc, opo papagaling po ako. Ngiting sagot ko dito.

Ngumiti lang eto at lumabas na ng kwarto.

"Narinig mo ang sabi ng doctor ha kailangan konti lang kasi baka mabigla ang tiyan mo at dapat hindi ka muna mag pagod at ma stress baka ano na naman mangyari sayo. Makinig ka saken Avery ha.  Mahabang salaysay ni Alexander.

Natawa ako ng mahina dahil para etong si dad tuwing nagkaka sakit ako.

"Opo sir. Sagot ko dito.

Tinignan ako neto ng naka nguso at nilapitan ko naman eto at binigyan ng smack kiss na siyang kinagulat niya.

"Thank you kiss yan. Natatawang sambit ko dito.

ARRANGED MARRIAGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon