CHAPTER 6

311 18 0
                                    

ALEXANDER POV.

"G-good evening po mom and dad. Bati ni Avery kela mom at dad, at bahagya etong yumuko.

Nagulat ako sa pag yuko niya ay may nakita akong pasa sa likod niya, hindi ko alam kung pasa ba talaga yun o namamalik-mata lang ako.

"Nasan si Ethan? Tanong ni Dad kay Avery.

"Nasa kwarto po dad, halina po kayo sa hapag-kainan nag luto po ako. Sagot naman ni Avery.

Tumango lang sila mom and dad at naglakad patungo sa dining area upang kumain.

"Avery. Tawag ko dito.

Hindi ako mapakali at gusto kong tignan kung totoo ba ang hinala ko sa likod niya.

"Bakit? Tanong neto saken.

Nakita ko ang labi niya na parang bagong sugat na naman at pinipilit niyang takpan ang sugat neto.

"W-wala. Sagot ko dito.

Tumango lamang eto at sinundan sila mom and dad sa dining area.

"Sana mali ang nasa isip ko. Bulong ko sa sarili ko.

Sumunod na ako sa kanila sa dining area at tinawag naman ni Avery si kuya Ethan.

"Hello mom, dad napabisita po kayo? Masayang salubong ni kuya kela mama at papa.

Tinignan ko ang reaction ni Avery at parang ilag etong matamaan ni Ethan. Ano ba nangyari sa dalawang to?

"Namiss lang namen si Avery tsaka ikaw. Sagot ni mom dito.

"Talaga mom? I miss you too. Sambit naman ni kuya at hinalikan si mom sa pisngi.

"Kamusta naman ang buhay mag asawa? Tanong ni dad dito.

"Ayos lang dad, ang totoo nga niyan ay close na close na kame ni Avery, diba love? Sagot ni kuya at sabay akbay kay Avery.

Nakita ko naman na parang nasaktan si Averg sa pagkaka akbay ni kuya dito.

"O-opo dad t-totoo po ang sinasabi ni Ethan. Utal utal na sagot ni Avery kay dad.

"Mabuti naman, hali na kayo at mag hapunan na tayo. Sambit ni dad.

Tumango lang ang dalawa at umupo si kuya sa tabi ni mom samantalang umupo naman sa tabi ko si Avery.

"Avery. Tawag ni mom kay Avery.

Parang nagulat naman si Avery sa pagtawag sa kanya ni mom.

"B-bakit po m-mom? Utal na tanong ni Avery, pero naka ngiti eto na parang aso.

"Maayos naman ba ang maltrato sayo neto ni Ethan? Tanong ni mom dito.

Tila nahinto si Avery ng ilang segundo at nakita ko ilalim ng lamesa ang kamay ni kuya na hinawakan ang hita ni Avery at pinisil ng malakas.

"O-opo mom m-mabait nga po si Ethan at maasikaso. Utal na sagot ni Avery dito.

"Mabuti naman, ikaw Ethan ayusin mo ang pakikitungo kay Avery ha! Sambit ni mom dito.

"Oo naman mom ako pa? Goodboy kaya ako. Natatawang sagot naman ni kuya.

May mali sa dalawang eto at malakas ang kutob ko na hindi ok si Avery mula ng mag sama sila ni kuya.

"Ikaw talagang bata ka! Natatawang sambit ni mom at mahinang hinampas si kuya.

Tumawa naman si kuya at samantalang si Avery naman ay nakuyuko. Lumipas ang ilang oras at natapos na kameng kumain, maraming tanong si dad and mom kela kuya at sinasagot naman nila. Minsan nahuhuli ko si kuya na kinukurot o kaya pinipisil ang hita ni Avery pag hindi eto nakakasagot.

"Mauuna na kame ha. Paalam ni mom sa kanilang dalawa.

"Mag iingat po kayo mom. Sambit naman ni kuya.

Si Avery naman ay nakayuko pa rin at tila malalim ang iniisip.

"Sige na mukhang napagod si Avery pag luluto. Natatawang sambit ni dad.

Nauna ng lumabas sila dad and mom samantala ako ay nagpa iwan sa loob.

"Kuya. Tawag ko kay kuya Ethan.

Lumingon eto saken.

"Bakit? Tanong naman neto saken.

"Inom naman tayo minsan. Ngiting aya ko dito.

"Miss na kita eh. Sunod na sambit ko.

Ngumiti naman eto at lumapit saken.

"Gusto mo ngayon na may driver naman sila mom and dad diba? Tanong ni kuya.

"Oo. Sagot ko dito.

"Pero ikaw mag paalam kela mom and dad, alam mo namang malakas ka dun. Ani ko dito.

"Sige, ako na bahala. Ngiting sagot naman niya.

Lumabas eto ng bahay at pinuntahan sila mom and dad upang ipaalam ako sa mga to.

"Avery. Tawag ko dito.

Lumingon saken eto at ngumiti ng pilit.

"Bakit? Tanong niya saken.

"Sabihin mo nga saken, minamaltrato ka ba ni kuya? Diretsong tanong ko dito.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ng diretso ko etong tinanong.

"H-hindi ah, ano ba yang sinasabi mo. Utal na sagot niya at umiwas eto ng tingin.

"Siguro sila dad and mom maloloko mo, pero ako Avery hindi. Sambit ko dito.

Lumingon ulet eto saken at may lungkot sa mga mata neto.

"Unang una, bakit ka naka long sleeves pangalawa sa mga kilos mo na kakaiba at pangatlo nangangayayat ka at ang pinaka huli. Mahabang sambit ko dito at huminto muna saglit.

"Ang mga pasa mo sa likod mo. Seryosong sambit ko dito.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at maya maya lang ay napayuko eto.

"A-alexander n-nagmamaka awa ako sayo, wag mong sasabihin kela mom and dad. Utal na sambit neto saken.

Kita ko ang takot sa mga mata ni Avery at sobrang naaawa ako dito.

"Sige, pero pag hindi mo na kaya mag sabi ka saken. Sambit ko dito.

Tumango eto at nagsalita.

"S-salamat Alexander. Sambit neto.

Kung ako na lang sana si kuya hindi mo mararanasan ang mga bagay na eto. Sana, sana ako na lang siya.

ARRANGED MARRIAGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon