CHAPTER 5

487 23 0
                                        

AVERY POV

Dahan dahan akong kumawala sa pagkakayakap ni Ethan baka dahil magising eto.

"Where are you going? Nagulat ako ng bigla etong mag salita.

"B-bathroom. Kinakabahang sagot ko dito.

Tinignan niya lang ako at binitawan din naman niya. Tumayo ako at dahan dahang lumabas ng kwarto niya.

"B-buhay ako. Bulong ko sa sarili ko ng tuluyan akong makalabas ng kwarto niya.

Bigla na namang pumatak ang mga luha ko sa mga oras na iyon.

"K-kaya m-mo t-to Avery, hindi pa huli lahat. Pagpapalakas na bulong ko sa sarili ko.

Umalis na ako sa harap ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. Hindi kame magkasama sa iisang kwarto ni Ethan dahil ang dapat na guest room at ginawa kong kwarto dahil ayaw niyang magkasama kame.

"N-nakaka awa ka Avery. Bulong ko sa salamin.

Nandito ako sa banyo ng kwarto ko at pinagmamasdan ang buong katawan ko na puno ng pasa at latay na gawa ni Ethan.

"P-para saan mo ba to ginagawa? Muling tanong ko sa salamin kung saan ako nakatayo.

Napaiyak na lang ako at napahawak sa dibdib ko sa mga oras na iyon. Oo gusto ko si Ethan sobra pero hindi ko na alam kung pagmamahal paba tawag sa ginagawa ko.

"K-kaya ko pa! Alam kong kaya ko pa. Ngiti kong sambit sa sarili ko pero hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa sitwasyon ko.

Napag desisyon ko na lang maligo at magpahinga sa mga oras na iyon at hindi na muna ako mag luluto ng dinner dahil hindi naman din niya eto kinakain.

"A-asan naba yung ointment dito. Bulong ko sa sarili ko.

Tapos na ako maligo at hinahanap ko sa drawer ang ointment na ginagamit ko sa labi ko. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"H-hello? Sagot ko dito.

Si Alexander ang tumatawag sa mga oras na eto at hindi ko alam kung bakit.

"Hi Avery. Masayang bati niya.

"Hello, bakit ka napatawag? Tanong ko dito.

"Anong nangyari sayo bakit parang paos ka? Takang tanong neto saken.

Napaos ako kakaiyak at kakasigaw sa sakit kanina habang ginagawa ni Ethan ang mga bagay na yon.

"A-ah wala nanood kasi ako ng palabas kanina, tapos iyak ako ng iyak. Pag sisinungaling ko dito.

"Ganon ba? Sambit naman niya.

"Y-yes. Mabilis kong sagot dito.

Ayokong sabihin kay Alexander ang ginagawa ni Ethan saken dahil ayokong pati siya madamay.

"Pupunta kame nila mom and dad diyan sainyo. Sambit niya.

Parang may mga dagang nag tatakbuhan sa dibdib ko dahil sa kaba ng marinig ko ang sinabi niya.

"H-huh? Takang tanong ko.

"Sabi ko pupunta kame nila mom and dad diyan ngayon, actually na sa byahe na kame diyan daw kasi balak mag dinner ni mom eh namimiss kana daw nila at si kuya. Mahabang salaysay neto sa cellphone.

Hindi ko alam ang gagawin ko ayoko namang makita nila ang latay na gawa ni Ethan saken.

"S-sige magluluto muna ako. Utal na sagot ko dito.

"Sige Avery, see you later. Sambit niya.

"See you. Sagot ko naman dito.

Binaba ko na ang tawag at hindi ako mapakali sa mga oras na eto dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Napagpasyahan kong lumabas ng kwarto upang puntahan ang kwarto ni Ethan. Kumatok ako dito at ilang katok lang ay bumukas eto at bumungad saken ang walang emosyong mukha ni Ethan.

"Ano? Malamig na tanong neto.

"A-ah e-eh, a-ano kasi pupunta yung parents mo ngayon dito at si Alexander. Panimula ko dito.

Nakita ko naman na nag bago ang expression ng mukha niya.

"Nag sumbong ka?! Galit na tanong neto.

Hinawakan ako sa braso ng mahigpit na siyang kina-ngiwi ko.

"A-aray h-hindi ako nag sumbong. Maluha luha kong sagot dito dahil nahawakan niya ang isa sa mga pasa ko.

Binitawan naman din niya agad ako ng maka sagot ako sa kanya.

"Good. Sambit niya.

Lumapit eto sa mukha ko at naka tingin ng masama saken.

"Subukan mo mag sumbong mamaya kela mom and dad, dadagdagan ko yang latay sa katawan mo. Seryosong sambit niya saken.

Takot na tumango ako sa kanya at nilayo din naman niya ang mukha niya.

"Itago mo yang mga pasa mo kung ayaw mong dagdagan ko yan pag nakita nila. Malamig na sambit niya at sinaraduhan ako ng pinto.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at dumiretso na ako sa kwarto ko upang mag palit ng damit at ang suot ko ngayon ay pajama at isang long sleeves.

"O-ouch. Indang sakit ko ng aksidente kong masugatan ang kamay ko sa pag hihiwa ng mga ingredients.

Napalingon naman ako sa kwarto ni Ethan at hindi pa eto lumalabas sa mga oras na to.

"Lalabas naman siguro siya mamaya. Bulong ko sa sarili ko.

Nag umpisa na ulet akong mag luto at saktong pag dating nila ay nakapag luto na agad ako na apat na putahe.

"G-good evening po mom and dad. Bati ko sa kanila at bahagya akong yumuko.

"Good evening din iho. Sagot naman ng mama ni Ethan.

"Nasan si Ethan? Tanong naman ng papa niya.

"Nasa kwarto po dad tawagin ko na din po, halina po kayo sa hapagkainan nag luto po ako. Aya ko sa kanila.

Ngumiti naman sila at sumunod saken sa mga oras na iyon.

"Avery. Tawag saken ni Alexander.

"Bakit? Tanong ko dito.

"W-wala. Utal na sagot niya

Tumango lamang ako at hindi ko na lang pinansin si Alexander.

ARRANGED MARRIAGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon