CHAPTER 11

445 23 0
                                        

ALEXANDER POV

"Mom, dad. Tawag ko kela mama at papa ng dumating sila dito.

"Alexander/Anak. Sabay nilang tawag saken.

Lumapit ako sa kanila at yinakap sila ng sabay.

"Ano nangyari kay Avery? Tanong agad ni mom saken, tila nag aalala din eto kay Avery.

"Na sa emergency room pa rin po mom at hindi pa rin po lumalabas ang doctor. Naiiyak kong sambit.

"Na saan si Ethan? Takang tanong naman ni dad.

Nanahimik ako ng biglang tanungin ni dad si kuya. Tumawag ako kanina kela mom and dad at sinabi ko na tinakbo ko si Avery sa ospital dahil sa duguan eto.

"M-mom, d-dad. Pumipiyok kong tawag sa kanila.

May takang gumuhit sa mga mukha nila ng tawagin ko sila.

"S-si kuya po ang may dahilan kaya nag ka ganyan si Avery. Sambit ko ng naka yuko.

"A-ano? Gulat na tanong ni mom.

Hindi naman umimik si dad at tila seryoso lang etong nakikinig saken.

"B-bumalik po ako sa bahay nila kuya dahil nakalimutan ko po ang cellphone ko at ng dumiretso ako sa sala nakita ko si kuya na. Putol ko sa sasabihin ko at may kumawalang luha sa aking mata.

"Son, sabihin mo. Sambit ni mom saken.

"N-nakita ko si kuya na p-papaluin niya si Avery ng baseball bat sa ulo. Tuluyan ng nag bagsakan ang mga luha ko ng sambitin ko yun.

Naalala ko kung ano ang sitwasyon ni Avery sa mga oras na yun.

"A-anong s-sabi mo? Naguguluhang tanong ni mom.

"Malalaman po natin mamaya ang totoo mom, at makikita mo ang katawan ni Avery na puro pasa. Seryosong sambit ko sa kanila.

Hindi umimik si mom at dad, umupo muna sila sa gilid at ako naman ay hindi mapakali lakad lang ako ng lakad sa harap ng pintuan dahil hinihintay kong lumabas ang doctor.

"Son, umupo ka muna. Aya saken ni dad.

"O-ok lang po ako dad. Sambit ko dito.

Tumayo naman si mom at nilapitan ako.

"Anak. Tawag niya saken.

"B-bakit po mom? Takang tanong ko.

Hinawakan ni mom ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

"May gusto ka ba kay Avery? Tanong neto saken.

Natulala ako sa tanong niya at unti unti akong yumuko.

"Magiging maayos din ang lahat. Sambit ni mom at yinakap ako.

"M-mom I'm sorry. Umiiyak na ako sa mga oras na eto.

"Shhh, I know son I know. Sambit ni mom saken at pilit akong pinapatahan.

Bumitaw ako sa yakap at hinarap ko si mom, tumayo na din si dad at lumapit samen.

"M-mom p-pano pag may nangyaring masama kay Avery? Natatakot kong tanong kay mom.

"Son, wag kang mag isip niyan may awa ang itaas ipagdasal na lang natin siya. Sambit naman ni mom.

"H-hindi ko talaga mapapatawad si kuya pag may nangyaring hindi maganda kay Avery. Galit na sambit ko.

Nakita ko naman ang mukha ni mom at mukhang naiintindihan niya ang nararamdaman ko ngayon.

"Halika umupo ka muna. Sambit ni mom.

Sumunod lang ako sa kanya at umupo sa gilid ng emergency room. Lumipas na ang 8 hours at hindi pa rin lumalabas ang doctor mula dito.

"Son, kumain ka muna. Sambit ni mom at inabutan ako ng isang sandwich.

"I'm not hungry. Sagot ko dito.

"Son, naman kumain ka muna kanina kapa naghihintay dito sa labas at nakatulala ka lang diyan. Malungkot na sambit ni mom.

"Hindi po ako gutom mom. Muling sambit ko dito.

Bumuntong hininga lang si mom at bumalik eto sa upuan niya.

"Hayaan muna natin siya. Rinig kong sambit ni  dad.

"Mom. Tawag ko kay mom.

Lumingon naman agad eto saken.

"Yes son? Tanong neto.

"Anong balita sa demonyo niyong anak? Malamig na tanong ko.

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni mom sa mga oras na yun.

"S-son, kuya mo pa rin yun. Utal na sambit ni mom saken.

"K-kuya? Sambit ko dito.

Lumingon ako dito at tinignan sila ng malamig.

"Hindi ko na kapatid yun mom! Nagparaya ako kahit na mahal na mahal ko si Avery, nagparaya ako kasi nangako yang demonyo mong anak na aalagaan niya ang taong mahal ko mom! Sigaw ko dito.

Nadala na ako ng emosyon sa mga oras na eto.

"Son! Wag mong sisigawan ang mom mo! Rinig kong sambit ni dad.

"B-bakit dad? Totoo naman ah! Ako dapat ang asawa ni Avery kung hindi lang sa kagustuhan niyo! Ngayon naghihirap si Avery, ano na lang sasabihin niyo? Na nagawa lang ni kuya yun dahil away mag asawa? Eh halos pat*yin niya na si Avery eh! Umiiyak kong sigaw dito.

Nakita ko naman ang pananahimik nila at mukhang natauhan sila sa sinabi ko.

"S-son. Tawag saken ni mom.

"Umalis na kayo mom and dad. Malamig kong sambit dito.

Kita ko ang gulat sa mga mukha nila ng sambitin ko yun.

"A-anong sabi mo? Gulat na tanong ni mom.

"Umalis na kayo. Muling sambit ni dad.

"Aba nagiging bastos ka na ah! Galit na sigaw ni dad.

"Wala na akong pakelam kung maging bastos na ako sainyo, pero tandaan niyo eto hinding hindi niyo na ako ma cocontrol sa mga oras na eto. Dahil kahit anong mangyari kahit saang impyerno pa yan ipaglalaban ko ang taong mahal ko. Mahaba at malamig kong sambit dito at iniwan ko silang nakatulala doon.

Ayoko na mag paraya kung ikapapahamak ng taong mahal ko, di baleng ako na lang ang masaktan wag lang ang taong mahal na mahal ko.

"Pangako Avery, gagawin ko ang lahat wag ka lang muli mahawakan ng demonyo mong asawa. Bulong ko at tumingin ako sa harap ng pinto.

ARRANGED MARRIAGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon