CHAPTER 13

292 18 0
                                    

ALEXANDER POV

Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako sa upuan sa kakahintay sa doctor na lumabas sa emergency room.

"D-doc. Tawag ko sa doctor ng lumabas eto sa kwarto.

"Kamusta po si Avery doc? Tanong ko dito.

"Are you his relatives? Tanong neto saken.

Tumango na lang ako dahil gustong gusto ko ng malaman kung kamusta si Avery.

"He's in good condition na. Sagot saken ng doctor.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yung sinabi ng doctor.

"After 11 hour's ay lumaban naman ang pasyente. Sambit ng doctor.

11 hour's na pala nilang sinasalba si Avery.

"Salamat po doc, maraming salamat po. Maluha luhang pagpapasalamat ko dito.

"You're welcome, may tanong sana ako at wag ka sana ma ooffend Mr? Sambit saken neto.

"Ford po, Alexander Ford. Pagpapakilala ko dito.

"Ehem, ok. Mr. Ford ayoko sana tanungin eto pero saan nakuha ng pasyente ang mga pasa sa likod niya at sa pag iimbistiga namen ay mukhang hinagupit eto ng isang bagay at ang sugat niya sa mukha at ulo na mukhang pinalo eto ng matigas na bagay. Mahabang salaysay neto.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba eto dahil pag sinagot ko eto ay makakaramdam na naman ako ng galit sa katawan ko.

"You don't need to answer my question Mr. Ford. Sambit ng doctor saken.

"Pwede mo na siyang puntahan pero sa mga oras na eto ay wala pa etong malay. Sambit niya ulet.

"Thank you po doc. Pagpapasalamat ko dito.

Tumango lang eto at umalis sa harap ko, ako naman ay pumasok na sa loob. Sa pag pasok ko sa loob ay nadatnan ko si Avery na nakahiga at ang daming aparatong nakalagay sa katawan niya at mahimbing etong natutulog.

"Avery. Tawag ko sa pangalan niya.

Dahan dahan akong lumapit kung saan naka higa ang walang malay na si Avery at punong puno eto ng bandage sa katawan.

"Avery. Muling tawag ko dito.

Umupo ako sa gilid niya at hinawakan ko ang kamay niya.

"I'm sorry, kung nahuli ako. Malungkot na sambit ko dito.

"I'm sorry kung hinayaan kitang mapunta kay kuya. Muling malungkot kong sambit at unti unting pumapatak ang luha ko.

"Pangako mula ngayon ay hindi ko na hahayaang mawala ka pa saken. Sambit ko dito at hinalikan ang kanyang kamay.

~FAST FORWARD~

It's been a week simula ng mangyari yun, si kuya naman ay wala na akong balita ang alam ko lang ay umalis eto ng bansa at tinulungan nila mom and dad. Dahil sa ginawa ni kuya kay Avery ay napilitan etong pirmahan ang divorce paper nila at tanging pirma na lang ni Avery ang kulang.

"Hi, Avery. Bati ko kay Avery.

Hindi eto sumagot at nanatili etong nakapikit.

"Gising ka na. Ang dami mo na sigurong panaginip. Ngiting sambit ko.

Tulog pa rin hanggang ngayon si Avery at dahil sa pagkapalo ni kuya sa ulo niya ay na shock ang ilang ugat niya sa utak at naging sanhi eto ng comatose.

"Avery, hindi kaba nababagot diyan tulog ka ng tulog. Kausap ko dito.

Ako na ang nagbabantay kay Avery mag damag at nag usap na kame nila mom and dad at ang sabi nila ay tutulungan nila si Avery.

"Gusto mo ng orange? Tanong ko kay Avery.

Kahit na tulog pa eto ay kinakausap ko pa rin to at ang sabi ng doctor ay kausapin ko lang si Avery kasi naririnig naman niya ako.

"Alam mo ba kanina bumibili ako ng prutas may nakita akong swan na laruan dun at naalala kita. Kwento ko dito habang nagbabalat ako ng orange.

"Naalala ko kung pano mo ako isayaw tapos yung mga galaw mo habang sumasayaw ka na ang ganda ganda. Sunod kong kwento dito.

Nilingon ko eto at nakapikit pa rin eto.

"Naalala mo ba habang sumasayaw ka nun, ang sabi mo pa saken "THIS IS FOR YOU" kinilig ako nun hahaha. Natatawang kwento ko.

"Yun ang unang beses na tumibok ang puso ko. Sambit ko dito.

Totoo siya ang dahilan ng unang beses na pag tibok ng puso ko.

"Lalo na ng ngumingiti ka habang sumasayaw sa harap ko at saken ka lang nakatingin. Tuloy ko sa kwento ko.

"Pakiramdam ko tayong dalawa lang ang tao nun at nag sslow-mo lahat ng nangyayari sa mga oras na yun. Ngiti kong kwento habang naka tuon ang tingin ko sa orange na binabalatan ko.

"Ang weird nga eh alam mo ba kung bakit? Habang sumasayaw ka ikaw lang ang nakikita ko at wala ng iba, simula nun hindi kana mawala sa isip ko at lalo na ang napakaganda mong ngiti at ang mata mo na kumikinang tuwing tinatamaan ng liwanag galing sa buwan. Mahabang kwento ko dito.

"I-ikaw y-yung k-kasayaw ko ng gabing yun?

Nagulat ako ng marinig kong mag salita si Avery at ng lingunin ko eto ay naka tingin eto saken at may ngiti sa mga labi niya.

"A-avery. Naluluha kong tawag sa kanya.

ARRANGED MARRIAGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon