Chapter 12 As Long As It's You

6.9K 123 39
                                    

(Habang nagbabrowse ako ng pictures, napatigil ako sa isang kuha namin. Bigla akong napafocus kay Shayne. Isinoom ko yung picture. Shocks di ko mapigilan yung sarili ko na titigan siya. Naalala ko naman yung sinabi niya.)

"You know, I wish I could see you smiling always like that."

(Ewan ko pero di ko talaga maiwasang di ngumiti habang naaalala ko yun at habang tinititigan ko yung picture niya ngayon.)

[Connect charger]

CYRUS: PATINGIN!!!!

(SH*T!!! Biglang inagaw ni Cyrus yung phone ko.)

(Hala baka makita niya yung naka-zoom na picture ni Shayne.)

SOPHIE: Uyy, akin na yan!

(Nung aktong titignan na niya, sinubukan ko namang agawin sa kanya yung phone ko. Kaso di ko na maagaw sa kanya kase inilalayo niya.)

CYRUS: Ano ba tong kanina pa nagpapangiti sayo?? HA, Insan.?

(At yun na nga, tinignan na niya yung screen... waaaaaaahhhh... yare ako nito...)

CYRUS: Bat wala??

(Napatingin siya sa akin.)

CYRUS: Lowbat ka na, Insan?

SOPHIE: Ayyyy, baka nga. Nagsasabe na kase yan kanina ng 'Connect charger'.

CYROAN: Ahahaha. Sayang, bro, di natin nakita.

CYRUS: Kung kelan ko na hawak, saka pa nalowbat. HAHAHA. Dapat pala tinignan ko agad.

SOPHIE: Hayy, nako. Akin na nga yan. (Sabay kuha ko kay Cyrus ng cp ko.)

SOPHIE: Icharge ko na. Na drain ko na nang husto.

(Napapatingin naman sa akin yung dalawa.)

SOPHIE: Akyat muna ako. BYE!

(Nung makaakyat na ako sa 2nd floor, ito na ang eksena. Para akong ewan na sayaw nang sayaw.)

(YESSSSSSSSS! LIGTAS AKOOOOO. Whooo! Buti na lang talaga di nila nakita.)

❤️❤️❤️

(Pagkatapos ng klase, nagpasama sa akin si Shayne na pumunta sa supermarket.)

[EVERSON'S SUPERMARKET]

Nag-grocery muna kami pagkatapos nun, nagpunta na kami sa Vegetable Section dahil mamimili rin pala siya ng gulay. Habang nagpipili siya, napapatingin naman ako sa kanya.

(Napaka-uncommon sa lalaki yung siya mismo yung mamimili. Nakaka-attract naman... anuba. Natatawa na lang tuloy ako.)

...

(Nung makapamili na kami sa supermarket, niyaya niya akong sa kanila na mismo mag-dinner. Wala naman sigurong masama kung makikikain ako noh. Ahahaha.)

❤️❤️❤️

[MCNULTY RESIDENCE]

(Maya-maya, dumating na kami ni Shayne sa kanila. Pinatong na niya yung mga paperbag sa lamesa. Tapos, isa-isa na niyang nilabas yung mga pinamili namin. Kinuha na rin niya yung apron. Naghugas siya ng kamay at inumpisahan na niyang hugasan yung mga gulay. Siya yata yung magluluto.)

SOPHIE: Sa wakas makikita ko na rin kung paano ka magluto.

(Napangiti siya.)

SOPHIE: Gusto mo, tulungan kita?

SHAYNE: No need. Your a visitor here tonight so just sit down and relax.

SOPHIE: Okay, sige. Panonoorin na lang kita.

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon