KINABUKASAN pinatay niya ang kanyang cellphone pagkapasok niya sa kanyang opisina. He wanted to stay focus. Apat na araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin niya matapos ang sandamukal na papeles na inaasikaso niya. At talagang dinagdagan pa ng kanyang ina ang problema niya.
"Creed, and what do you think you're doing? " He heard his mother yelled at him as his secretary handed her phone to him.
Tsk. As usual cellphone na naman ng sekretarya niya ang tinawagan nito. His mother knew he won't answer her call kaya naman ang sekretarya na lang niya ang tinawagan nito. His mother is really unbelievable.
Marahas na naihilamos ni Creed ang mga kamay sa kanyang mukha.
"Mom, please I'm not in the mood to talk about what happened last night. I'm just mad. I'm sorry. " walang buhay ang boses na sabi niya rito.
Napahikab pa siya. Damn! He's still so sleepy, ang dalawang ugok kasi na iyon kagabi talagang hindi manlang siya pinalampas.
"Sorry? Yon lang ba ang masasabi mo pagkatapos mong bugbugin ang kaibigan mo. Take note his not just your friend, he's also your sisters fianceè. " iritadong konsula nito sa kanya.
Marahas siyang napabuga.
"Oh come on, mom. I never forget that fact. They both mean things to me but we both know that I can only choose one. And that's my sister. Stop it already please, I'm not in the mood to talk about this. " Matabang ang boses na sabi niya saka pinatay ang tawag.
Alam ni Creed na mali ang ginawa niya kagabi, pero para sa kanya iyon ang mas tamang gawin. He respects his elder sister more than anyone. And he knows that he might be sorry for doing such thing like that pero hindi niyon mababago ang katutuhanang duwag ang kaibigan niya.
Muntik nga lang niya itong mapatay kahapon dahil sa bugbog na tinamo nito galing sa kanya. Pero hindi rin naman siya masisi ng lalaki. Nagdilim lang talaga ang paningin niya dahil sa kaduwagan nito.
"Samatha" malakas ang boses na sigaw ni Creed sa intercom.
Nang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang sekretarya niyang si Samantha, hindi niya itinago rito ang galit niyang mukha. Kunsabagay sanay na rin naman ang babae sa paguugali niyang sala sa init sala sa lamig.
" Yes, Sir? " kalmado ang boses na tanong nito nang makalapit sa mesa niya.
" Gawan mo ako ng kape. Iyong matapang! " malamig ang boses na utos niya sa sekretarya niya na agad namang tumalima.
Sandaling nawala ang babae sa paningin niya, nang muling magbukas ang pinto ng opisina niya ay may dala na itong kape. Napatingin si Creed sa kape na inilapag ng sekretarya niya sa ibabaw ng kanyang mesa.
" May i-u-utos pa ho ba kayo? " tanong ng sekretarya niya kapagkuwan.
"Yes. Can you update my sister about what happened last night, and tell her I'm really sorry. Nagdilim lang talaga ang paningin ko. " sabi niya rito.
Tango lang ang naging sagot ng babae sa kanya.
Akmang lalabas na ang babae sa opisina niya nang pigilan niya ito.
"By the way Miss Manzano. Please informed the product designer that I needed the product design proposal. Ngayon mismo!
Mabilis pa sa kidlat na pumihit ang sekretarya niya para harapin siya.
" Uhm, Yes Mr. C. Pero hindi ko po masisiguradong makakarating si Julia. Ang alam ko po busy s'ya ngayon e. But I will do my best to tell her that you need her to report the product designs. " kalmado lang na sagot ni Samantha bago nagpatiuna ng lakad paalis sa opisina niya.
BINABASA MO ANG
Deceivable Temptation Series 1: The Great Seductress
RomanceSynopsis: Creed Draviane Becker a ruthless, cold-blooded and overwhelming businessman. After the death of his girlfriend, Maureen in an unwanted accident. He lost his trust to everyone. The perfect world he had became useless and miserable. Para s...