Ang Yummy Kong Stepbrother (PART 4)Araw ng Lunes... unang araw ng pagpasok ni Keith sa kanyang bagong university. Maaga siyang nagising dahil sinabihan siya ni Caleb na itotour muna siya nito sa buong school bago ito pumasok sa kanyang klase. Di katagalan... nang makapag bihis na si Keith ay dali dali na niyang kinuha ang kanyang mga gamit at lumabas na ng kwarto tsaka tinungo ang dining area upang makapag almusal na silang lahat.
"Good morning Mommy, Good morning Daddy.." masayang bati ni Keith sa kanyang mga magulang pagkarating nito sa kanilang dining area.
"Good morning anak.. maupo ka na at kumain na diyan.." nakangiting bati naman ni Samuel kay Keith.
"Excited ka na ba sa bago mong papasukan na university, anak??.." tanong naman ni Beatrice sa kanyang anak.
"Opo Mommy.. and besides.. itotour naman ako ni Kuya Caleb sa buong school para ma familiarize ko yung campus.." nakangiting sagot ni Keith sa kanyang ina.
"Aww.. mabuti naman kung ganon anak.. mag iingat kayo doon ha.." pagpapaalala naman ni Beatrice sa kanyang anak.
"Don't worry Mommy, ako'ng bahala kay Keith.. hinding hindi ko pababayaan itong kapatid ko.." nakangiting sabi ni Caleb sa kanyang ina.
"How sweet.. salamat anak.." nakangiting pasasalamat ni Beatrice kay Caleb.
Agad nang naupo si Keith sa tabi ng kanyang ina at nag umpisa nang kumain. Habang abala silang lahat sa pag aalmusal ay napansin ni Keith na sinusulyapan siya ni Calvin. Nang tinignan naman ni Keith si Calvin ay bigla naman itong napaiwas ng tingin at nagfocus sa kanyang kinakain. Hindi na lang umimik si Keith at ipinagpatuloy na lang nito ang kanyang pagkain. Di katagalan... nang makapag almusal na silang lahat ay dali dali na silang lumabas at sumakay ng kanilang van.
"Bye, Mommy.. Bye, Daddy.." pagpapaalam naman nina Keith at Caleb sa kanilang mga magulang bago nila isinara ang pinto ng van.
"Bye, mga anak.. ingat sa byahe.." sagot naman nina Beatrice at Samuel sa kanilang mga anak.
Ilang saglit pa ay dumating na si Calvin at pagkapasok nito sa loob ng van ay agad niyang sinita si Keith.
"Excuse me, that's my seat.." pagpapaalis ni Calvin kay Keith.
"Calvin naman, andaming bakanteng upuan oh.." sagot naman ni Caleb sa kanyang kakambal.
"Ayos lang yan Kuya, lilipat na lang ako sa likod.." sagot naman ni Keith kay Caleb sabay tayo nito at lumipat ng upuan sa likod.
Pagkaupo ni Keith sa likurang parte ng van ay lumipat na rin si Caleb at tumabi kay Keith sa likod.
"Ayos na ba kayo diyan?? Aalis na tayo.." biglang tanong ng driver sa kanilang lahat.
"Opo, manong.. ayos na.." sagot naman ni Caleb sa kanilang driver.
Habang nasa kalagitnaan pa lang sila ng kanilang biyahe ay nabigla naman si Keith nang himasin ni Caleb ang legs nito.
"Kuya, baka makita tayo dito.." bulong naman ni Keith kay Caleb.
"Hindi yan, basta huwag ka lang maingay.." sagot naman ni Caleb sa kanyang stepbrother.
BINABASA MO ANG
Ang Yummy Kong Stepbrother
RomanceThis story is purely m2m story. There are parts that are not suitable for all ages. If you are uncomfortable with my stories feel free to leave and look for another story. This is just conceived by my wild imagination. Reader's discretion is advised...