Ang Yummy Kong Stepbrother (14)

1.1K 45 3
                                    


Ang Yummy Kong Stepbrother (Part 14)






Lumipas ang ilang mga araw at natapos na din ang bakasyon ni Keith sa bahay ng kanyang Tatay Hector at Nanay Cora hanggang sa nag ayos na siya ng kanyang mga kagamitan dahil kailangan na niyang bumalik sa siyudad para mag enroll para sa kanyang second semester. Maluha luha pang nagpaalam si Keith sa kanyang mga magulang pati na rin sa kanyang bunsong kapatid habang naglalakad siya papunta sa sasakyan nitong hanggang sa bumiyahe na siya pabalik ng siyudad ng Iloilo. Gabi na nang makarating si Keith sa mansyon... masaya naman siyang sinalubong ni Beatrice at Samuel pati na rin ang kanyang stepbrother na si Caleb pero wala si Calvin.





"Anak!! Welcome home!!.." masayang bati nina Beatrice at Samuel sabay yakap nilang dalawa kay Keith.





"Thank you po Mommy, Daddy.." masayang sambit naman ni Keith sa kanyang mga magulang.





"My princess!! Namiss kita!!.." masayang sambit din ni Caleb sabay yakap nito nang mahigpit kay Keith.





"Namiss din kita Kuya Caleb!!.." tuwang tuwa naman na sagot ni Keith sa kanyang stepbrother.





"Namiss ka din namin lahat anak, halika na.. naghanda kami ng maraming pagkain para sa'yo.." tuwang tuwa na aya ni Beatrice sa kanyang anak.





Di katagalan... habang kumakain sila ay biglang nagtanong si Keith.





"Si Kuya Calvin? Nasaan??.." tanong ni Keith sa kanilang lahat.





"Nasa bar siya, my princess.. kasama ni Alyanna.." sagot naman ni Caleb sa kanyang stepbrother.





"Ah okay.." tanging sagot na lang ni Keith dahil napansin niya ang pag iba ng reaction ng kanyang mga magulang kaya ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang pagkain.





Isang oras ang lumipas... pagkatapos naman nilang maghapunan ay agad na din silang nagsipasok sa kani kanilang mga kwarto upang makapagpahinga. Si Keith naman ay nagtungo ng banyo upang maligo dahil galing pa siya ng biyahe. Halos tatlumpong minuto ang lumipas... pagkatapos naman ni Keith na maligo at magbihis ay naisipan niyang lumabas muna ng kwarto upang magpahangin sa labas ng kanilang bahay pero pagkalabas naman nito ng kanyang kwarto ay nakasalubong nito si Calvin na kakadating lang galing sa pagbabar nila ng kanyang girlfriend.





"Baby??.." agad na sambit ni Keith pagkakita nito sa kanyang boyfriend.





Tinignan lang siya ni Calvin sabay iwas nito ng tingin at tsaka tinungo ang kanyang kwarto pero bigla naman siyang pinigilan ni Keith.





"Baby?? Please.. kausapin mo naman ako.. alam kong nagselos ka sa ginawa ni Kenneth sa akin nung nakaraang araw pero hindi ko ginusto ang mga nangyari.. maniwala ka naman sa akin oh.." pagpapaliwanag naman ni Keith sa kanyang boyfriend.





"Pwede ba Keith?? Wala akong panahon na makinig sa mga sasabihin mo.. I'm tired.. magpapahinga na ako.." tanging sagot ni Calvin sabay alis nito sa kamay ni Keith at ipinagpatuloy ang pagpasok nito sa kanyang kwarto.





Hindi namalayan ni Keith na tumutulo na ang kanyang luha. Batid niyang nasaktan niya ang damdamin ng kanyang boyfriend pero wala na siyang magagawa kundi ang dumistansya muna upang hindi na lumala ang kanilang away. Dahil sa nangyari ay bumalik na lang siya ng kanyang kwarto upang magpahinga. Di pa man siya nakakapagpahinga nang may biglang kumatok sa kanyang pintuan. Napangiti naman siya dahil alam niyang si Calvin ang kumakatok at narealize niya siguro na mahal pa rin siya nito kaya dali dali na siyang nagtungo ng pintuan at pinagbuksan ito.





Ang Yummy Kong StepbrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon