Ang Yummy Kong Stepbrother (2)

3.5K 72 2
                                    


Ang Yummy Kong Stepbrother (PART 2)






Gabi na nang makarating sa mansyon si Keith at ang kanyang tunay na ina kasama ang kanyang Stepfather. Pagkarating pa lang nila sa entrance ng bahay ay sinalubong na agad sila ng maraming katulong. Pagkababa nilang lahat ay agad na inutusan ni Samuel ang mga katulong nila na kunin ang mga bag na dala ni Keith.





"Manang.. pakikuha nga ng mga bag ni Keith at ihatid niyo ito sa kanyang magiging kwarto ha.. at pakihanda na rin ng mga pagkain.." utos ni Samuel sa kanilang mga kasambahay.





"Opo Sir Samuel.." agad na sagot ng kasambahay kay Samuel sabay kuha nito sa mga bag ni Keith.





"Keith.. anak?? Welcome to your new home.." nakangiting sambit ni Beatric sa kanyang anak na si Keith.





"Ang ganda at ang laki naman po ng bahay niyo Mommy... Daddy.." manghang puri ni Keith sa kanyang ina at kanyang ama.





"Bahay natin anak.. bahay mo na rin ito simula ngayon.." nakangiting sagot naman ni Samuel sa kanyang anak.





Ilang sandali pa ay dumating naman ang kanilang mayordoma.





"Ayy, Good evening Manang.. siya nga pala.. ito si Keith.. ang aming anak.." nakangiting pagpapakilala ni Samuel.





"At anak... ito si Manang Olga.. ang mayordoma dito sa bahay.. kung meron kang kailangan.. o kung gusto mo ng pagkain.. sa kanya magsabi ha.." sambit naman ni Samuel sa kanyang anak.





"Hello po, good evening Manang Olga.." nakangiting bati ni Keith sa mayordoma ng bahay.





"Magandang gabi din sa'yo Keith... ang gwapo mong bata.. kuhang kuha mo talaga ang mukha ni Ma'am Beatrice.." nakangiting puri ni Olga kay Keith.





"Uyy.. ciempre sa akin din manang noh.. nagmana din sa akin itong anak ko.." biglang pagsingit ni Samuel kay Olga na ikinatawa naman nilang lahat.





"Halika na anak.. nagpahanda kami ng maraming pagkain para lang sa'yo.." nakangiting sambit naman ni Beatrice sa kanyang nag iisang anak.





Agad naman silang nagtungo lahat papunta ng kanilang dining area kung saan nakahanda ang mga pagkain inihanda ng mga kasambahay. Una munang pinaupo ng mag asawa si Keith bago sila nagsitungo sa kani-kanilang mga upuan. Nang akmang iseserve na ng isang kasambahay ang pagkain kay Keith ay nagprisinta naman itong si Beatrice na siya na muna ang magseserve ng mga pagkain ni Keith.





"Ako na manang... gusto kong ako ang unang maglalagay ng pagkain at magsisilbi sa unang araw ng pamamalagi ng mahal kong anak na si Keith.." nakangiting sambit ni Beatrice na ikinagulat naman ng kasambahay nila.





"P-po?? A-anak niyo po ito??.. Halaa.. pasensya na po Ma'am Beatrice.. hindi ko po nakilala agad ang anak niyo.. pasensya na po Sir Keith.." agad na paghingi ng paumanhin ng kasambahay kina Beatrice at Keith.





"Ayy.. no worries po manang.. Ako po pala si Keith Generoso.. Ano nga po pala ang pangalan niyo??.." nakangiting tanong ni Keith sa kasambahay nila.





"Ako po si Linda.. Sir Keith.. welcome po dito sa bago niyong bahay.." nakangiting pagpapakilala ni Linda kay Keith.





"Thank you manang.." nakangiting sagot naman ni Keith sa kanilang kasambahay.





Ang Yummy Kong StepbrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon