Ang Yummy Kong Stepbrother (16)

1K 42 4
                                    


Ang Yummy Kong Stepbrother (Part 16)






Kinabukasan... maaga namang nagising si Keith dahil gusto nitong tawagan ang kanyang Tatay Hector at Nanay Cora pati na rin ang kanyang kapatid na si Kim. Agad naman siyang bumangon sa kanyang higaan at tinungo ang banyo upang makapaghilamos at makapagsipilyo. Ilang minuto lang ang lumipas matapos niyang maghilamos at magsipilyo ay dali dali na niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang mga magulang.





"Good morning sa aming napakabait na anak.." malambing na bungad nina Hector at Cora kay Keith pagkasagot nila sa tawag nito.





"Good morning po Tatay! Nanay! Namimiss ko na po kayo.." agad na sambit ni Keith sa kanyang mga magulang.





"Miss ka na din naman anak.." sagot din nina Hector at Cora kay Keith.





"Si Kim po pala Tay? Tulog pa po ba siya??.." tanong naman ni Keith sa kanyang ama.





"Oo anak.. tulog pa ang kapatid mo, gusto mo bang gisingin ko siya para makausap mo??.." tanong naman ni Hector kay Keith.





"Ay huwag na po Tay, mamaya po, tatawag po ako ulit tutal weekend naman po ngayon at wala akong pasok.." sagot naman ni Keith sa kanyang ama.





"Oh sige anak, mabuti nga yon dahil namimiss ka na din ng kapatid mo.." sambit naman ni Hector kay Keith.





"Siya nga po pala Tay, lumipat din po pala ng school si Kenneth.." pagsumbong naman ni Keith sa kanyang ama.





"Oo anak.. kasama niya ang kanyang mga magulang dahil may negosyong inaasikaso sina Robert at Elena diyan kaya kinailangan na din ni Kenneth na lumipat ng paaralan.." pagpapaliwanag naman ni Hector kay Keith.





"Nagulat nga po ako dahil magkaklase po kami ni Kenneth.." natutuwa na pagsumbong ni Keith sa kanyang ama.





"Mabuti kung ganon.. para hindi na din mahirapan si Kenneth na makipagkaibigan sa bago niyang paaralan.." sagot naman ni Hector kay Keith.





"At tsaka po Tay, si Kevin.. yung bestfriend ko.. lumipat din po pala siya sa school namin at magkaklase din po kami.." pagsumbong pa rin ni Keith sa kanyang ama.





"Oh? Talaga?? Hindi ko alam yon.. kaya naman pala hindi ko na masyadong nakikita si Kevin sa atin.. lumipat na din pala siya ng paaralan.." sagot naman ni Hector kay Keith.





Halos isang oras naman ang itinagal ng pag uusap ni Keith at ng kanyang mga magulang hanggang sa napagpasyahan na nilang tapusin na ang kanilang pag uusap sa telepono dahil marami pa silang trabaho ngayong araw. Pagkatapos naman na makausap ni Keith ang kanyang mga magulang ay agad na din siyang lumabas ng kwarto upang tignan ang niluluto ng kanilang mga kasambahay. Pagkalabas naman ni Keith ng kanyang kwarto ay bumulaga sa kanyang ang isang malaking bouquet ng red roses at may nakalagay pang card. Agad niya namang tinignan ang card at binasa ang nakasulat.





"I'm really sorry everything. Please give me a chance na magpaliwanag sa nagawa ko sa'yo. Mahal na mahal kita Keith and sana bumalik ka na sa akin. Miss na miss na kita baby.."


- Calvin





Bahagya namang nagulat si Keith dahil sa kanyang nabasa sa card. Gusto niyang kiligin pero hindi siya naging marupok kaya ibinalik niya ang card sa loob ng bouquet at ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad papunta sa kanilang dining area.





Ang Yummy Kong StepbrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon