Ang Yummy Kong Stepbrother (Part 20)Lumipas ang mga araw at linggo... naging masaya ulit ang takbo ng relasyon ni Keith at Calvin. Sa halos araw araw ay hindi lang si Calvin ang nakakatalik ni Keith kundi pati na rin si Caleb... at palagian na ring nagaganap ang kanilang pag ti-threes*me. Dumating ang buwan ng Disyembre. Ito ang unang pagkakataon ni Keith na makakasama niya sa Pasko at Bagong Taon ang kanyang totoong ina pero ito rin ang unang pagkakataon na hindi niya makakasama ang kanyang pamilya sa probinsiya.
"Keith?? Anak?? May problema ka ba?? Parang ang dami mo namang iniisip. Pwede mo yang sabihin sa akin kahit ano pa yan.." biglang tanong ni Beatrice nang mapansin niya si Keith na tulala lang na nakaupo sa living room at malalim ang kanyang iniisip.
"Eh kasi po Mommy, ito po ang unang pagkakataon na hindi ko po makakasama sa Pasko at Bagong Taon sina Nanay at Tatay tsaka si Kim. Nung nandon pa po ako sa probinsiya... kahit kaunti lang ang handa namin, masaya na po kami kasi magkakasama kaming lahat.." malungkot na sambit ni Keith sa kanyang ina.
"Gusto mo bang umuwi sa inyo para makapag celebrate ka ng Christmas at New Year??.." tanong naman ni Beatrice kay Keith.
"Gustuhin ko man po Mommy pero ayoko namang iwanan kayo kasi ito rin po ang unang pagkakataon na makakasama ko kayo eh.." nakangiting sagot ni Keith sabay yakap nito sa kanyang ina.
"Don't worry anak, we'll make this Christmas and New Year na masaya.." nakangiting sagot din ni Beatrice kay Keith.
"Thank you po Mommy.." pasasalamat naman ni Keith kay Beatrice.
"You're always welcome anak.." huling sambit naman ni Beatrice bago siya umalis at inasikaso ang kanyang mga paper works.
Pagkaalis naman ni Beatrice ay bumalik din si Keith sa kanyang kwarto. Di katagalan... habang abala naman si Keith sa kanyang binabasang libro ay pumasok naman si Calvin.
"Baby.." malambing na bungad ni Calvin sabay halik nito sa labi ni Keith.
"May problema ka ba??.." tanong din ni Calvin pagkatapos niyang halikan si Keith.
"Wala naman, I'm just happy dahil nagkabalikan na tayo.." nakangiting sambit ni Keith kay Calvin.
"Mas masaya ako baby dahil binigyan mo ako ng second chance na magmahalan tayo.." puno ng galak na sagot ni Calvin kay Keith.
"Tanga lang siguro ako kaya binalikan kita.. charot. Hahahaha.." sagot naman ni Keith sabay halakhak nito.
"Grabe ha, hindi na ba ako deserving sa pagmamahal mo at nasabi mo yan??.." malungkot na tanong ni Calvin.
"Si Mommy at Daddy, si Nanay at Tatay, si Kenneth at Kevin... lahat sila ay tutol sa pagmamahalan natin Calvin, pero hindi ako nakinig sa kanila dahil mas importante ang pagmamahal mo sa akin so sana hindi mo na ako iiwan sa ere dahil sinuway ko silang lahat para sa'yo.." sagot naman ni Keith kay Calvin.
"Pangako... papanindigan kita Keith. Hindi ko na hahayaan na masira pa tayo.." sagot ni Calvin sabay halik nito sa labi ni Keith.
"Mahal na mahal kita Calvin.." sagot naman ni Keith sabay yakap nito kay Calvin.
"Mahal na mahal din kita Keith.." sagot din sa kanya ni Calvin.
BINABASA MO ANG
Ang Yummy Kong Stepbrother
RomanceThis story is purely m2m story. There are parts that are not suitable for all ages. If you are uncomfortable with my stories feel free to leave and look for another story. This is just conceived by my wild imagination. Reader's discretion is advised...