Chapter Three

27 1 0
                                    

NANININGKIT ang mga matang binalingan niya si DJ na ngayon ay kampanteng nakatayo habang nakapamulsa sa harapan niya. Halatang hindi nito maitago ang amusement na nakalarawan sa mata nito. Ibang klase din ang nakalarawang ngisi dito.

Ano ba naman ang nangyayari sa tadhana at lagi silang pinagtatagpo ng lalaking ito? Bakit ba kasi sa dinarami-rami ng pwedeng mag may-ari ng pesteng lupang iyon ay si Didrey pa?

"Dont tell me ikaw ang may-ari ng lupang bibilhin ko?"

Natatawang nagkibit baikat na lang ang lalaki sabay senyas sa kanya sa kalapit na upuan.

"Why dont you sit down, Luzzel? We have so many things to discuss."nakakalokong sabi nito sa kanya.

Humugot muna siya ng hininga bago magpasyang lapitan ang binata.

Relax, Luzzel. Relax. Kailangan mong huminahon. For your business sake, right? Pilit niyang pangungumbinsi sa sarili.

"No need. Siguro naman sandali lang tayo mag-uusap. I'm willing to pay any amount for the property."taas noong sabi niya sa binata.

Saglit lang itong hindi nakakibo at nakatingin lang sa kanya ngunit maya-maya ay nasalita na rin ang binata. "May I know why are you interested in that property?"

"I declined to answer, Mr. Perez."

He looked at her intensely na para bang kinakabisado nito ang bawat detalye ng mukha niya. Nakipagtitigan din siya sa binata. Ipapakita niya dito na determinado siyang makuha ang property nito.

"Sorry to tell you this, Luzzel. But that's one of my requirements para pumayag akong bilhin mo ang property ko.

Tumaas ang kilay niya. "Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang requirements, Mr. Perez."

Nginisian lang siya ni DJ. "I own the property, so I'll make sure the rules. Why do you want my property?"ulit nito sa tanong nito sa kanya.

Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago sagutin ang tanong nito. She hate the idea na wala siyang choice kundi magpatinuod sa mga kagustuhan ni DJ. At isa pa, hindi nga ba at ang sabi niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat ng paraan para mapasakanya ang lupa?

"Ang property mo ang perfect palce for my biggest branch. Satisfied?"she said in sarcastic voice.

Hinimas-himas nito ang baba na para bang pinag-iisipan ang sinabi niya. Lihim siyang napalunok. Sana naman ay pumayag na ang tukmol na ito na ipagbili sa kanya ang property ng matapos na agad ang usapan nila at makalayas na agad sa opisina nito.

"I'm willing to double the price just to get the property. Common, alam kong matalinong businessman ka at tuso na rin. I'll double the price para lang matapos na agad ang usapang ito."naiinip na sabi niya sa binata.

Muli siya nitong tinitigan. At ang klase ng titig na iyon ang hindi niya nagugustuhan. Kahit naman sampung taon na silang hindi nagkita ng lalaking ito ay kilala pa din niya ang mga gestures nito. Malakas ang duda niyang may tumatakbong kalokohan sa isip nito. DJ is up for something else at doon siya kinakabahan.

"Okey, payag na kong ibenta sayo ang property ko."

Nanlaki ang mata niya sa narinig. Feeling niya ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng binata. Mukhang mali ang hinala niyang may binabalak ito. Buti nalang at hindi nagkatotoo.

Doon siya nakahinga ng maluwag."Good to hear that. We can finalize it as soon as possible at kapag may go signal kana. I'm hoping na within this week ay maayos na natin ang lahat."tuwang tuwang sabi niya.

Lumapit ito sa kanya. Dahil di hamak na mas matangkad si DJ ay nakatingala siya dito.

Then she was suddenly aware of his perfume na kanila lang ay naaamoy niya.

Hermoso Avenue Book I: Second Chances in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon