MULI niyang inayos ang comforter ng kapatid niya at sinigurong komportable ito bago siya nagpasyang lumabas ng kwarto nito.
Mahigit isang buwan na din ang nakakalipas simula ng mag start ito sa chemo therapy nito. And it's a good thing na maganda ang response ng katawan nito sa mga gamut. Ang kinababahala talaga niya noong una ay ang labis na panghihina ng kapatid niya. Ang sabi ni Paul Cenon ay natural alng ang ganoon dahil isa iyon sa mga side effects ng gamut. Siya ang unang napaluha ng unti unting nalagas ang buhok ng kapatid niya. Hindi nga niya napigilang umiyak sa harapan nito habang hawaka ang nalagas na buhok ni Alyssa.
Alam niya kung gaano nito iyon inlagaan at minahal. Natatawa nga siya dahil ito pa ang nag comfort sa kanya at nagbigay ng lakas ng loob imbes na siya.
It's just that her heart breaks into pieces sa mga nangyayari sa kapatid niya. Pero sinusumpa niyang hinding hindi niya ito susukuan.
"How is she? Nakatulog na ba siya?"
Doon lang bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng marinig niya ang boses ni Brent. Naghihintay pala ito sa labas ng kwarto ng kapatid niya.
Isang buwan na rin pala ang nakakalipas simula ng mangyari ang komprontahan nila ni DJ sa isla nito. Noong araw din kasi na iyon ay nagpasya siyang umalis na sila sa isla at umuwi ng Manila. Hindi naman nagtanong ang mommy ni DJ ngunit sa palagay niya ay alam na nito ang nangyaring kaguluhan.
She sighed. Umalis sila na hindi man lang sila nag kausap ng binata sa maayos na way.
Pinagmasdan niya si Brent at nginitian ng kimi. Simula rin kasi ng nangyari ay wala na siyang narinig na anuman mula sa lalaki.
Masuyong hinawakan nito ang kamay niya. "Luzzel, can we talk?"
Napatitig siya ditto at nakita niya ang kseryosohan sa mukha ni Brent kaya napatango nalang siya.
Balak kasi nilang magdinner sa labas pero sa kalagayan niya ngayon ay wala siya sa mood na makipag date dito.
"Sa verandah tayo mag-usap."
Ilang minute lang ay nasa verandah na sila ngunit hindi pa din ito nagsasalita. Nahalata din niya na importante ang sasabihin into sa kanya kaya matyaga siyang naghintay.
She heard him sigh bago ito nagsalita.
"I'm going to States, Luzzel."
Ilang saglit muna ang pinalipas niya bago siya sumagot. "When?"she asked.
"As soon as possible. Doon ko kasi balak itayo ang isa sa mga firm ko. And I will be staying there. I don't know kung kailan ako babalik."
Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Hindi rin naman niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman o sabihin sa nalaman.
Muli niyang narinig ang malalim na buntong hininga nito.
"Let's break up."
Doon siya napatingin sa lalaki.
"Matagal ko ng alam na hindi naman talaga ako ang mahal mo."
Napipilan siya sa sinabi nito.
"I'm just hoping na in time, you will learn to love me. Na kapag pinakita kong mas deserving ako for you ay baka mahalin mo na din ako."
"B-brent.."sambit niya.
Umiling iling ito at pinagmas dan siyang mabuti. "I can feel your love for me Luzzel. Pero pagmamahal bilang isang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sakin. Ako lang itong nag expect na baka kaya mo pa iyong higitan. I don't know kung ano ang pumipigil sayo for you to love me. Pero nang Makita ko ang mga reaksyon mo kapag tinitignan mo si DJ., doon ko lang lubusang napagtanto ang dahilan kung bakit mo ko magawang mahalin. Because you love him. You're in love with him."
BINABASA MO ANG
Hermoso Avenue Book I: Second Chances in Love
RomanceHindi akalain ni Luzzel na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Didrey James Perez, ang lalaking ilang taon din niyang kinamuhian dahil sa pananakit nito sa batang puso niya. Unang araw palang nila sa Hermoso Avenue ay gwapong mukha na nito...